Part 44 -Last move

502 55 15
                                    


Isay pov;

Sobra kong namiss ang mga panahong tumatambay lang kami ni Blue sa bilyaran ni Mang Kanor kaya tutal andito kami sa bagtas niyaya ko siyang magtungo ulit sa bilyaran.

Pagdating namin doon, hindi ko inaasahang madami na palang suki si Mang Kanor. Lumaki din ang pwesto niya. Ang daming studyanteng naglalaro at katulad ng dati talamak pa rin dito ang sugal at pustahan.

Gusto ko ulit maglaro sa kinagisnan kong lugar kaya hindi pweding manood na lang kami sa gilid.

Tinignan ko ang sinasabing mga loko-lokong studyante ni Mang Kanor at pamilyar ang mga mukha nila. Nung sinabi ng matandang mga kalaro namin noon ang mga lalakeng iyon ay hindi na ako nag-atubili pang lumapit. Kaya pala pamilyar ang mga mukha. Ang mga tukmol pala ang mga loko-lokong ito. Mabigwasan nga one time. Isa kasi ang mga itong tumatawag ng tomboy sa amin noon ni Blue. Natatalo kasi namin sila sa pustahan noon kaya nang-aasar sila.

"Yoooww! Asher!" bati ko sa tukmol na lider.

Nagtaka lang itong tumingin sa akin.

"Pambihira naman oh! Sa ganda kong 'to, nakalimutan mo na ako?" sambit ko dito. Hindi naman ako naaasar kong hindi niya ako nakilala. Hindi din naman kami close. Loko-loko ang mga ito eh! Mga mantsa ng lipunan.

"Babe, who is she?" singit nung babaeng mas maganda pa ang singit ko. To the max ang make-up niya! Clown ba ito? Mali ata ang napuntahan niyang party.

"I'm Isay!" tinapatan ko ang maarte niyang tanong kaya nakatikim lang ako ng pagtaas ng kilay. Anak ng teteng, mas mataas pa ang kilay ko jan. Tinignan ko ulit si Asher at muling kinausap. "Hoy tukmol, naging pula lang ang buhok mo nakalimot ka na kaagad! Kasali bang nakulayan ang utak mo kaya makakalimutin ka na?" bara ko sa kanya.

Pero to the resbak si Blue at balak pa akong hilahin. "Hoy Isay, tumigil ka. Wala siyang pamasahe, hindi nakakasakay sa biro mo." bulong niya. "Tara na."yaya pa niya pero nagmatigas ako.

"Gusto kong maglaro Blue." pa-cute na sambit ko.

Hihilahin na naman niya sana ako paalis ngunit tinawag siya ni Asher.

"Blue?!" tawag niya dito. Tukmol talaga ang isang to. Nakakakilala naman pala. Iuntog ko kaya ang utak niya para tuluyan siyang maamnesya. Nakaka-offend ss beauty ko ah.

"Oy!" tanging sambit lang ni Blue. Inataki na naman siguro ng sakit niya sa pagiging tamad magsalita.

"Oy Blue, long time no see!" may kaboteng sumingit. Isa pang tukmol.

Tinanguan lang sila ni Blue at pansin ko ang pagtitig nila dito lalo na si Asher, iba kung makatingin! Nakaka-kilabot. May hitsura naman ang isang to kung tutuusin. Masyado lang makapal ang kilay niya kaya parang galit lage kung makatingin.

"Hoy pare, chicks! Pakilala mo naman kami." nakangising sambit nung iba na tinaasan ko lang ng kilay. May apat silang kasamang babae na masamang nakatingin sa amin. Tsk insecure sila sa ganda ko. Relax! Ako lang to.

"Anong ginagawa niyo dito? Maglalaro ba ulit kayo?" sabi ulit ni Joel.

"Oo. Kaya umalis na kayo, kami muna ang maglalaro." walang kaabog-abog kong sinabi. L. "Joke!"pambawi ko ng mapansing hindi sila natutuwa.

"Sino ba sila?" maarte na namang tanong nung babae.

"Si Blue at Isay. Mga kalaro namin noon!" si Joel pa rin ang nagsalita. Ganyan nga tukmol, ipakilala mo kami sa mga clown niyong kasama baka matuwa pa ako.

Inismitan ko ang mga maarteng babae at hinarap ulit si Joel.

"Oy! Laban tayo Joel. Kagaya ng dati tig— dalawang player pa rin. Kayo ni Asher, kami ni Blue kalaban niyo! Game?" hamon ko. Gusto ko talagang makapaglaro ulit dito sa minahal kong bilyaran. Nakakamiss ang mga masasayang araw na yun! Wala pa kaming ibang pinoproblema kundi ang mga bunganga lang ng mga nanay namin.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now