Part 35- Goodnight baby..

724 67 36
                                    



Blue points of view:

Nang matapos ang naging laban namin ay pumunta ako sa sulok at kinontak agad si Lola.

Di pa nga ako kaagad nakaalis dahil ang daming studyanteng nakikipagbatian at nag-congrats sa amin ni Isay.

Enjoy na enjoy naman sa pagpapasalamat at pagngiti si Isay sa mga fans daw kuno niya..

"Thank you.... oh my god.. salamat.. sa susunod ulit.. hehehe.. ang galing ko no... Yeah i know.. magaling ako.. Hehe." todo ngiti niyang sabi at todo kaway din sa mga bumabati.

Hiyang-hiya naman ako sa kanya.. Feel na feel niya ang kasikatan at panalo namin..

Napapanganga na lang si Kirsten dahil sa laki ng bilib niya sa sarili. Natanong niya din siguro ang sarili niya kung bakit naging kaibigan niya ito.

Nakangiwi akong dumistansya sa kanya at iniwan ko siya kasama si Kirsten at pinilit kong maka-alis sa mga nagkukumpulang studyante palibot sa amin..

Puro ngiti at tango lang ang nabibigay ko sa kanila kapag tinatawag nila ang pangalan ko at bumabati.

"Congrats Sab." bati sa akin nung namumukhaan kong kasama ni Jonass na naglinis ng kubeta.. Nginitian ko lang siya at tumango.

"Ang galing mo talaga idol. Paturo naman akong magbilyar."nsabi naman nung lalakeng mas bata sa akin. Ang cute pa naman ng height niya.. Pang-grade 4.. Ngumiti lang din ako sa kanya.. Pero di na ako tumango, baka mapasubo pa ako sa pagtuturo ng bilyar sa kanya.

"Ang ganda at ang galing mo Miss Sabrina.. How to be you po??! Hehe." nakangiting tanong nung magandang payat na babae.. First year siguro yun.. pang-model ang ganda sobrang payat nga lang.. Nasobrahan siguro sa diet.

"Pa-picture tayo Sab.. please!!" sabay-sabay na request nung isang grupo ng mga babae. Pinaunlakan ko naman sila baka sabihin snob ako. Tinanguan ko sila para sa pagpayag kong magpapicture. 'one, two, three.. groufie' sabi nung photographer nila..

"Last na lang.. wacky please!!" sabay-sabay pa rin nilang pakiusap sa akin.. Wacky daw?? Tumango naman ako sa kanila at ngumiti.. Wacky pala hah..

"One, two, three... wacky!!!" sabay-sabay nilang sabi at nakisabay din naman ako sa kanila.. Nag-duck face ako at napaduling ang mata ko sa wacky shot.. Pero ang mga punyeta nag-peace sign lang ang wacky nila.. Wacky na ba yun?? Di pa nila nilubos-lubos.. Pa-cute pala ang ibig sabihin ng wacky ngayon?? Pocha.. Epic ng mukha ko dun..

Kahit nainis ako dahil sa nangyaring extreme wacky shot ko ay pilit lang akong ngumiti sa kanila at nagpaalam na aalis na.

Nang nasa bandang sulok na ako ng hall ay kinuha ko kaagad ang phone ko at nag-umpisang mag-dial. Naka-ilang ring na pero wala pa ring sumasagot sa tawag ko. Sinubukan ko pa rin at sa muling pagtunog nito ay may sumagot na sa kabilang linya.

Nagpakilala siyang doctor ni lola at sinabing nakatulog na daw ito. Agad namang nawala ang pag-aalala na nararamdaman ko kanina. Nakatulog lang pala ito kaya siguro hindi na naka-sagot kanina.

Nagpasalamat na lang ako sa doctor at binaba na ang tawag ko. Sakto namang lumapit sa akin si Marco.

"Hey, Congrats." panimulang sabi niya. Nakangiti ito sa akin habang nakapamulsa ang isang kamay niya. Ang isang kamay naman niya ay nakalagay sa batok niya.. Para siyang nagmomodel ng....katawan.

Napalunok naman ako ng wala sa oras dahil sa ayos ng pagkakatayo niya.

"A-ahh hehe.. salamat." medyo naiilang kong sagot.. Kita ko kasi ang tikas ng katawan niya.. Pang-model.. Pasimple ko siyang tinignan at tama nga si Isay.. gwapo nga si Marco.. ang tangkad pa niya. Marami din sigurong babaeng nagkakagusto dito, halimbawa na lang yung dalawang babaeng nakalaban namin kanina na kulang na lang ay lumuwa ang mata sa kakairap sa akin dahil sa pag-cheer ni Marco sa akin.

Me and the Dark Knights -Completed- (former She is Love)Where stories live. Discover now