2

264 11 0
                                    

Hindi ko namalayan na nakatulog ako habang iniisip lahat ng nangyari.

May naramdaman akong gumigising sakin kaya dinilat ko yung mata ko. Bumungad sakin yung mukha ng reyna.

"Masarap ba tulog mo?" nakangiti nitong tanong. Tumango na lang ako, hindi pa gising ang diwa ko at ang sakit ng paa.

Bakit masakit ang paa ko?

"Magayos ka at may pupuntahan tayo. Suotin mo ito hindi pa kami nakakagawa ng iyong damit." Tumango lang ako ulit. Kinuha ko ang damit at tumayo.

"Asaan po ulit yung cr?" tanong ko sa reyna, naglakad ang reyna at sumunod lang ako at nakarating na kami sa cr.

Ano ba ang ginawa ko kahapon at ang sakit ng paa ko?

Naghilamos ako at nagbihis ng damit. Hindi ko alam kung nasaan yung suklay kaya hinayaan ko lang na sabog yung buhok ko.

Lumabas ako ng cr.

"May suklay po ba kayo?" tanong ko sa reyna.

"Sumama ka sakin at aayusan kita." sumunod ulit ako at nakarating kami sa kwarto ko.

Pinaupo niya ako sa harap ng salamin. Sinuklayan niya ang buhok ko at inipitan iyon ng bun.

"Halika na at aalis tayo." tumango lang ako ulit. Habang naglalakad kami ay iniisip ko kung bakit masakit ang paa ko.

Sa pagkakaalala ko nakita ko ang reyna sa isang lugar.

Nasa labas na kami ng palasyo.

Tapos sinabi ng reyna saakin na ako daw ang susunod na reyna. Pinakilala niya rin sakin yung anak niyang si Roy.

Sumakay ang reyna kay chiko at tinulungan niya din ako sumakay.

"Kumapit ka Rin." di ko narinig ang sinabi ng reyna dahil iniisip ko kung bakit masakit ang paa ko.

Ah! Naalala ko na!  Naglakad lakad nga pala kami sa palasyo ni Roy kaya ang sakit ng paa ko.

Biglang tumakbo si Chiko at hindi pa ako nakakapit kaya nahulog ako.

"RIN!!" malakas na sigaw ng reyna. Naramdaman ko na sinalo ako ng lupa at gumulong gulong pa ako. 

"Rin!!" nakita ko ang reyna na tumatakbo palapit sakin. Sinubukan kong tumayo at nakatayo ako ng maayos. Wala akong galos o sugat kahit na lupa yung sumalo sakin. May nakakapit na mga damo sakin na unti unting nawawala sa pagkapit saakin. Buong katawan ko ay may damo.

"Mahal na reyna." saad ko ng makalapit saakin ang reyna. " A-ano pong nangyari? Bakit may mga nakakapit na damo sa buong katawan ko?" pagtatanong ko sa reyna. Ngumiti ito " Iyon ay dahil sa mahika ko."

"Mahika? Magic?" pagtatanong ko. Tumango siya.

"P-paanong magic po?"

"Halina aalis na tayo, ipapaliwanag ko na din sayo lahat habang papunta tayo sa ating pupuntahan." sumakay ulit ang reyna kay chiko at tinulungan niya ako makasakay.

Dahan dahan naglakad si chiko at  nagsalita naman ang reyna. 

"Kailan ka pinanganak?" tanong ng reyna sakin.

"Oct. 18,2001 po." sagot ko.

"Pinanganak ako noong March 28, 2000." nanlaki ang mata ko sa sinagot niya.

"EHHH??" sigaw ko pero tumawa lang siya.

"Ganyan din reaksyon ko noon pagdating ko dito." natatawa niyang saad. Galing din ako sa mundo mo."

The Other WorldWhere stories live. Discover now