119

47 3 3
                                    


Matapos ang paguusap namin nila Akira at nang masigurado namin na hindi na nito kailangan ng tuklong namin ay bumalik na kami ni Hazel sa kaniya-kaniya namin kaharian. Hindi na kami nanatili sa palasyo ng Ningkahaze dahil kinakailangan na namin umuwi ni Hazel dahil sa mga gawain namin. Lalo na ako, kailangan ko ng bumalik dahil halos limang araw na akong wala sa palasyo. 

Gabi na kami nakabalik nila Nacy kaya't natulog agad kaming dalawa at paggising namin kinabukasan ay inumpisahan ko na ang mga gawain ko at ang...preperasyon sa kasal ni Rei dahil next week na iyon.

"Binibining Rin, pinapatanong ni Reyna Gladice ang tungkol sa susuotin niyo ni Nacy. Nakapili ka na ba?" tanong ni Morpheus at tumango tango naman ako. 

"Eto ang napili ko." saad ko at inabot sa kaniya ang papel na may design na susuotin ko. 

Dapat talaga isang buwan bago magsimula ang kasal ni Rei ay nakahanda na lahat ngunit... hindi ko napansin ang araw dahil sa nangyari kay Akira. Hindi ko akalain na ang bilis lumipas ng araw. 

"Ang regalo?" tanong muli ni Morpheus

"Hindi pa ako nakakapili." 

"Nakita mo na ba ang pinadala ni Binibing Rei na sulat? Nakasulat doon kung anong oras at saan gaganapin ang kasal." 

"Oo, nakita ko na." sagot ko at pinirmahan ang papel na kailangan kong pirmahan.

"Ah, bago ko makalimutan. May mga papel na hinihingi si Reyna Gladice. Basahin mo raw iyon at ipasa sa kaniya mamaya." nag thumbs up lang ako sa sinabi ni Morpheus. 

"Pwede ka ng umalis, Morpheus. Tatawagin na lamang kita kapag may kailangan ako." pagpapalayas ko sakaniya at nagkibit balikat lang siya na para bang wala siyang ginawang mali.

Masyado akong pinepressure ni Morpheus sa mga gawain ko. Galit ba siya sakin? Dahil ba 'yon sa pinagawa ko? Hindi ko naman kasalanan na nagtagal siya roon, ah. 

Bumalik na lamang ako sa ginagawa ko at hindi na initindi 'yon. Kailangan ko 'tong matapos kung gusto ko makapunta sa kasal ni Rei. 

***

Pagabi na ng matapos ko ang lahat ng gawain ko. Naglalakad ako ngayon sa hardin ng palasyo para maka singhap ng hangin. 

Haa~ nagalaw glaw ko rin ang mga paa ko. Halos buong mag-araw akong nakaupo at lalayas lamang ako ng opisina ko kapag may ibibigay akong papeles kay Reyna Gladice...Hmm?

Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang malamig na hangin na lumagpas sakin. Na para bang may dumaan at nilagpasan ko at... may nararamdaman akong presensiya sa likod ko. 

Pasimple akong tumingin sa likod ko at akmang ilalabas na ang soul weapon ko nang magsalita ang taong dumaan.

"Huwag kang mag-alala, Binibining Rin. Ako lamang ito." agad ko hinarap ang taong 'yon nang marinig ang boses niya. Nang humarap ako ay ngumiti ito sakin at gulat lamang akong nakatingin sa kaniya.

"Ginoong Deseo? Ano ang inyong ginagawa rito?" gulat na tanong ko sa kaniya at yumuko para magbigay galang.

Walang sinabi si Morpheus sakin tungkol sa pagdalaw ni Ginoong Deseo.

"May gusto lamang akong sabihin sa'yo, Binibining Rin. Maaari mo ba ako pakinggan?" nakangiting tanong ni Ginoong Deseo. 

"Walang problema, Ginoong Deseo. Gusto mo ba pumunta tayo sa opisina ko?" nakangiti kong alok at umiling iling naman ito. 

"Ayos lamang kung dito tayo mag-uusap. Ah, bago ko makalimutan. Hindi ako nagpunta rito bilang isang tagapayo niyo kung ano man ang inyong tawag samin ngunit bilang isang kuya ni Morpheus." saad niya na mas lalong pinagtaka ko. Ang kwintas ko rin ay umilaw saglit nang sabihin niya 'yon.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: May 12, 2023 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

The Other WorldTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang