52

34 2 0
                                    

RIN P.O.V

Nagising ako bigla dahil kinukurot ni Nacy yung pisngi ko.

"Nacy..." saway ko sa kaniya.

"Mama!" masiglang bati niya sakin at nginitian ko naman siya.

Bumangon na ako at tinignan ang oras. Maga-alasais pa lang ng umaga. Ang aga naman magising ni Nacy.

Tumayo ako at binuhat na si Nacy papuntang banyo para maligo. Pagtapos namin maligo ay binihisan ko si Nacy sa dress niya at pumunta sa kwarto ni Arnel.

Kumatok kami at pinagbuksan naman kami ni Arnel ng pinto. Naka knight suit na siya.

"Magandang umaga, Binibining Rin." bati niya sakin.

"Magandang umaga, sumabay ka na rin sa pagkain namin." bati ko at yaya sa kaniya. Tumango naman siya.

Naglakad kami parehas papuntang dining hall.

Ngayon pala kami aalis nila Morpheus, kasama namin umalis si Arnel papunta sa pupuntahan namin. Dahil kung sakaling gawin ko raw yung pinagawa sakin ni Reyna Gladice ay mapapakalma raw agad sakin.

Nakarating na kami sa dining hall at nagsimula na kumain. Kasama namin ang mga Royalty at alam kong pinaguusapan nila si Nacy at Arnel kaya sinamaan ko sila ng tingin.

Subukan niyo lang magsalita ng hindi maganda. Bibitin ko kayo patiwarik.

Nakuha naman agad nila ang titig ko kaya huminto agad sila.

"Binibining Rin, may problema ba?" tanong ni Arnel at umiling naman agad ako.

"Wala naman." sabi ko at sinubuan si Nacy ng pagkain. Dinedekwat niya kasi yung pagkain ko kaya kailangan tuloy tuloy yung pagsubo ko sa kaniya ng pagkain.

"Ngayon ang alis niyo hindi ba, Binibining Rin?" tanong sakin ni Reyna Gladice at tumango naman ako.

"Kasama niyo nga pala si Binibining  Aylene sa pag-alis." nagulat naman ako sa sinabi ni Reyna Gladice.

"Si Aylene po? Bakit naman po?" takang tanong ko sa kaniya.

"Dahil ang lugar na pupuntahan niyo ay lugar kung saan nakatira ang pamilya ni Binibining Aylene."sagot ni Reyna Gladice sa tanong ko.

"Gusto niya bisitahin ang pamilya niya kaya pinayagan ko siyang sumama." dugtong naman ni Reyna Gladice.

Pagtapos namin kumain ay napagpasiyahan namin nila Arnel na maglakad lakad muna sa garden para bumaba yung kinain namin.

"Sino pala ang magbabantay kay Nacy habang wala tayo?" tanong ko kay Arnel pero hindi siya sumagot. Napakamot siya sa ulo niya.

So hindi rin niya alam.

Asaan pala si Morpheus? Hindi ko alam kung anong oras kami aalis dahil hindi naman niya sinabi kung anong oras.

"Hmm? Binibining Rin?" napalingon agad ako sa tumawag sakin.

"Jasper!" sigaw ko sa pangalan ng tumawag sakin. Naka knight suit siya at may espadang nakasabit sa bewang niya.

Napadako ang tingin niya kay Nacy at Arnel.

"Mukhang may pupuntahan ka, sasama ka ba sa Mahal na Prinsesa?" tanong ko kay Jasper.

"Isa siyang Prinsipe?" tanong ni Arnel at tumango ako.

Agad siyang yumuko at nagbigay galang.

"Ipagpaumanhin niyo ang huling pagbati ko. Magandang araw, Mahal na Prinsipe." magalang na bati ni Arnel.

The Other WorldWhere stories live. Discover now