79

27 4 0
                                    

Rin P.O.V

Nakasakay kami ngayon lahat kay Morpheus na naka malaking anyo ngayon.

Papunta kami ngayon kung nasaan si Akira. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nararamdaman ni Arthur ang presensiya niya.

May inabot si Hazel kay Niwe na maliit na bilog na bagay. Kinuha 'yon ni Niwe at takang tumingin kay Hazel.

"Ano ito?" takang tanong niya kay Hazel.

"Iyan ang poprotekta sa'yo. Walang magagawa ang mahika mo sa mga kalaban. Hindi ka rin marunong humawak ng espada. Paano ka lalaban kung hindi kita bibigyan niyan?"

"Banggitin mo lang ito kung nasa delikado ang buhay mo." pagtapos sabihin ni Hazel iyon ay hindi niya na pinansin pa si Niwe.

Tinignan ko naman si Arnel na nasa tabi ko. Bigyan ko rin ba siya? Pero paano ko naman siya bibigyan eh hindi nga ako marunong ng enchantment magic.

Dumako ang tingin ko sa espada niya.

"May problema ba, Binibining Rin?" mukhang napansin niya akong nakatingin sa espada niya.

Hinawakan ko ang hawakan nito at pinasa ko ang ibang magic ko doon na pwede niyang magamit.

"Ano ang iyong ginagawa, Binibini?"

"Nilagyan ko ng mahika ko ang espada mo. Maaari mong gamitin iyon." sabi ko naman sa kanya.

"Nilagyan mo?" akmang kukunin niya ang espada niya nang magsalita si Morpheus.

[Mga Binibini, mukhang malapit na tayo.]

Tumingin kaming lahat sa unahan at sa di kalayuan ay may nakikita kaming malaking bahay na nakatayo sa gitna ng kagubatan.

[Mukhang nasa tamang lugar tayo. May nararamdaman akong presensiya ng mga Demdra.]

"Demdra?!" gulat na sigaw ko.

[Mga Binibini, hindi ko kayo maibababa. Kailangan niyong gumawa ng butas sa bahay upang makapasok. Maiiwan kami ng mga Ginoo rito upang siguraduhin na walang Demdra ang makakapunta sa bayan.]

"Hindi ba masyadong delikado yung plano mo?" nag-aalalang sabi ko.

[Kailangan natin magmadali. Maaaring may nangyari na kay Binibining Akira. Masyadong maraming Demdra ang nasa lugar na ito. Kung hindi natin mahahanap si Binibining Akira ay mas lalong manganganib ang buhay nito.]

Napaisip naman ako sa sinabi ni Morpheus. Kung hindi kami magmamadali ay magkakaroon ng oras makatakas sila na kasama si Akira. May teleportation magic ang isa at masyadong malawak ang sakop nito. Kaya nilang lumipat agad sa ibang kaharian sa maikling panahon.

Bigla naman tumayo si Hazel.

"Rin, Rei. Maghanda na kayong pumasok agad sa loob. Ako na ang gagawa ng butas." sabi ni Hazel at tinaas ang kamay niya.

Sa kamay niya ay may nabubuo na bolang apoy. Palaki ito nang palaki. Sa sobrang laki ng apoy ay naiinitan na rin kami.

[Mga Binibini, kumikilos na sila!]

Binwelo ni Hazel ang kamay niya at binato ang malaking apoy.

Hindi ba masusunog ang buong bahay sa laki ng apoy?

Lumanding ang malaking apoy sa lupa na malapit sa pader ng bahay.

Nakaramdam ulit ako ng init at naghahanda na pala si Hazel ng apoy.

"Rei." pagtawag ko rito at tumango siya sakin.

"Hazel, sumunod ka agad, ah." sabi ko at tumango naman siya.

The Other WorldWhere stories live. Discover now