11

57 1 0
                                    

Nang makarating kami sa palasyo ay sinalubong kami ng mga naninilbihan at guwardiya. Andoon din si Reyna Gladice na nagaantay at may hawak siyang kapa. Bumaba ako kay Chiko at pagkababang pagkababa ko ay bumalik na ulit sa dati yung suot ko. Bigla akong napayakap sa sarili ko dahil sa lamig. Gabi na kasi kaya malamig. May biglang nagpatong sakin ng kapa sa balikat ko. Diba yung kapa sa mga superhero yon, yung nasa likod. Pwede ba maging jacket 'yon? Bakit hindi ko alam.

Tinignan ko kung sino yung naglagay at si Reyna Gladice lang pala ang naglagay.

"Gusto mo na ba magpahinga agad?" tumango ako sa tanong sakin ni Reyna Gladice.

"Kung gano'n ay ihahatid na kita sa silid. Chiko, pakibitbit na lang yung mga dala niyo." sumunod si Chiko sa utos ng Reyna.

Tumingin siya sa mga taong nakapaligid samin at agad naman silang nagsiyuko. Naglakad na si Reyna Gladice at sumunod lang ako.

Wala naman akong masyadong ginawa pero inaantok na agad ako*yawn*.

Habang pabalik kami ni Chiko ay nagisip ako kahit pa na ayaw ko. Inisip ko kung tama ba yung ginagawa namin ni Akira. Tapos naalala ko din yung sinabi ni Akira kagabi na walang ibang pwede maging Reyna kung hindi kami lang. Dahil kung meron man pwede maging reyna ay hindi na pipili yung mundong 'to sa mundo namin. Paano kapag nakahanap kami ni Akira ng paraan makabalik? Paano kung nakabalik kami? Anong mangyayari sa Shisakilzen at Ningkahaze kung wala kami dito? Naalala ko tuloy yung sinabi sakin dati ni Reyna Gladice, yung isang way lang para makabalik kami ay maging reyna ng kaharian at isilang ang susunod na hari para sa darating na Reyna. Kung hindi maisisilang ang hari na 'yon dahil nakabalik kami ni Akira anong mangyayari? Argh, feeling ko mabibiyak yung ulo ko. Sabi na dapat hindi ako nag-iisip,eh.

"Rin? Ayos ka lang ba? Andito na tayo." napatingin ako kay Reyna Gladice at sa pinto sa gilid ko. Huh? Andito na pala kami.

"Ah, opo ayos lang ako. Kailangan ko lang magpahinga-" hindi natapos ang sasabihin ko ng bumukas ang pinto at biglang tumalon si Akira sakin. Naramdaman kong kumirot ng husto ang likod ko.

"RIN! NAMISS KITA! ANG LONELY KO KANINA, KAYA SUMABAY AKO KUMAIN KILA REYNA GLADICE." masayang sabi ni Akira at nakayakap siya sakin. Hindi ako makapagsalita dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ang bigat naman ni Akira.

"Magandang gabi, Reyna Gladice at Chiko." bati ni Akira sa dalawa. Napatingin naman siya sa hawak ni Chino.

"Mukhang andami mong nakuha,ah. Magpahinga ka na." saad ni Akira at pinapasok si Chiko sa loob para ilagay yung bitbit niya.

"Maraming salamat, Reyna Gladice at magandang gabi na rin." bati ko. Yuyuko pa sana ako pero ramdam ko pa rin yung sakit ng likod ko.

"Magpahinga ka na, aalis na kami ni Chiko." nakangiting saad ni Reyna Gladice at pumasok na ako sa loob. Nagpasalamat ako kay Chiko bago siya lumabas.

Humiga ako sa kama ko. Argh, ang sakit ng likod ko.

"So, anong sabi ni Reyna Angelika tungkol sa kwintas?" tanong ni Akira dahan dahan akong umupo sa higaan ko.

"Ang sabi niya sakin, bigla bigla daw mawawala 'tong kwintas na 'to kapag malapit na dumating yung kasunod na reyna." yun lang ang sinabi ko.

"'Yon lang?" tanong ni Akira at tumango ako. Tinignan naman niya yung mga libro na galing sa Miaguazu.

"Hm, so saang kaharian ka naman pupunta bukas?" tanong ni Akira at nagkibit balikat lang ako.

"Kung gano'n pupunta tayo sa Ningkahaze, bwibiwisit- bibisitahin ko si Reyna Ann." May nakakalokong ngiting sabi ni Akira. Bwi-bwisitin siguro dapat yung sasabihin niya.

The Other WorldWhere stories live. Discover now