113

31 5 0
                                    


Naglalakad ako ngayon sa pasilyo ng palasyo at kasama ko si Morpheus. May dalawang katulong din ang nakabuntot samin dalawa. May mga papeles akong hawak at pinaguusapan namin ni Morpheus ang mga nakasulat doon habang naglalakad sa pasilyo papunta sa opisina ni Reyna Gladice para ibigay ang mga papel.

Halos natatapos ko na ang karamihan sa pinapagawa ni Reyna Gladice at three weeks na lang ay kasal na ni Rei. Matapos ko pa kaya 'to bago ang araw ng kasal ni Rei?

"RIN!" Sabay kaming napatigil ni Morpheus nang may marinig kaming pamilyar na boses.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita si Akira na tumatakbo sa pasilyo palapit samin.

"Akira?!" Gulat na sigaw ko at agad ko inabot kay Morpheus ang mga papel na hawak ko nang dumamba bigla si Akira sakin. Agad yumakap ang dalawang braso ni Akira at napaatras ako dahil sa impact ng pagtama ng katawan niya sakin.

"Anong ginagawa mo rito?!" Gulat na tanong ko.

"Waaaa! Na miss kita! Wait! Asaan si Nacy?" Inilayo ni Akira ang katawan niya sakin at lumingon lingon sa paligid pero hindi niya nakita si Nacy. Nasa bahay ni Prinsesa Ysabelle si Nacy ngayon at nakikipaglaro kay Aurora.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko muli at inilipat niya sakin ulit ang atensyon niya.

"Pinayagan ako ni Reyna Ann na dumalaw sa inyo dahil natapos ko agad ang pinapagawa niya kaso kailangan ko rin bumalik agad, tsk."

"Bakit dito mo naman pinili pumunta? Bakit hindi mo pinuntahan si Hazel para magpatulong sa ibang bagay." Tanong ko sa kaniya. Iwinasiwas ko nang marahan ang kamay ko kila Morpheus senyas na iwan muna kami ni Akira. Yumuko ang dalawang katulong bago sumunod kay Morpheus.

"Hindi mo ba naintindihan sinabi ko? Pinayagan ako ni Reyna Ann DUMALAW sa inyo. Bakit ko naman pupuntahan si Hazel, eh makikita ko rin naman siya next week or sa mga susunod na araw."

"Ah, gano'n ba. So anong oras mo balak umalis?" Walang ganang tanong ko sa kaniya.

"Kakarating ko lang pinapaalis mo na agad ako?!" Gulat na sigaw sakin ni Akira at agad ko tinakpan ang tenga ko dahil sa lakas ng boses niya.

"Akira, nasa pasilyo ka, huwag kang sumigaw." Saway ko.

"Oopss, sorry." Napatakip pa ito ng bibig niya nang sabihin niya iyon. Bumuntong hininga naman ako at nagsimulang maglakad muli at sumunod naman siya sakin.

"So, bukod sa gusto mo kong dalawin. Ano pa ang kailangan mo rito?" Tanong ko habang diretso ang tingin ko sa daan pero nakita ko ang pagtigil saglit ni Akira.

"Wala, dumalaw lang ako. Masama ba?" Pagtatanong niya at hindi ako nagsalita.

Bumuntong hininga ako nang mahina. Alam kong maraming palusot si Akira kung bakit ako ang pinili niyang bisitahin. Hindi niya sasabihin sakin ang totoong dahilan kung bakit niya ako pinuntahan rito pero alam ko na ang dahilan kung bakit.

"Gusto mo ba pumunta sa veranda?" Tanong ko at tumango lang siya kaya naglakad kami papunta roon.

Nang makarating kami ay inutusan ko ang mga katulong na naroon na kumuha nang makakain namin ni Akira at inumin.

Habang inaantay namin dumating ang mga pagkain ay nagkwentuhan kami ni Akira.

"Malapit mo na ba matapos yung pinapagawa ni Reyna Gladice sa'yo?" Pagtatanong niya at tumango naman ako.

"Natapos ko na ang karamihan na pinapagawa ni Reyna Gladice. Ikaw? Kamusta yung sa'yo?" Bigla naman siyang bumusangot at sinamaan ako nang tingin.

"Bakit mo ba tinatanong yan, eh alam mo na yung sagot." Inis na sabi nito.

The Other WorldWhere stories live. Discover now