87

33 4 1
                                    

Akira P.O.V

Patuloy kami naglakad sa madilim na lugar na 'to. Halos matagal na rin kami naglalakad ngunit wala kaming makita na lagusan man lang. Nararamdaman ko rin na napapagod na si Lei maglakad at buhatin ako.

Dapat pala sinugod ko agad ang Demdra na 'yon, edi sana ngayon hindi kami naghihirap maglakad at maghanap ng lagusan.

Bigla naman akong may naisip na paraan. Kung kasama ko siguro si Rin baka magawa niya yung iniisip ko.

"Arthur." huminto at lumingon sa akin si Arthur. Nagtaka pa siya nang makita ang masayang mukha ko.

"...Bakit, Binibini?" medyo nagaalinlangan niyang tanong.

"Kung gumawa na lang kaya tayo ng sarili natin lagusan." nakangiti at proud na sabi ko.

"Huh?! Nahihibang ka na ba?" reklamo ni Lei at agad ko pinitik ang tenga nito.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko."

"Hindi ako sigurado sa iyong gustong gawin, Binibining Akira."

"Bakit naman?"

"Siguro ay wala ka pang kakayahan maramdaman ang nga mahikang nakapalibot sa iyo. Ang lugar na ito ay napapalibutan ng mahika ng mga Demdra at wala ka pang kakayahan upang labanan ang mahika nila. Hindi mo pa kontrolado nang husto ang kapangyarihan ng kwintas. Magsasayang lang tayo ng mahika kung sakaling gawin natin ang iyong naisip." paliwanag ni Arthur.

Gusto ko pa sana ipagpilitan ang naisip ko pero baka mapagod lang si Arthur kung sakaling gawin ko 'yon.

Nang hindi na ako magsalita pa ay nagsimula ulit kaming maglakad. Habang naglalakad ay nag-iisip pa ako ng ibang paraan upang makaalis kami rito.

Napahinto ako bigla sa pagi-isip dahil sa isang kulay blue na bula na lumulutang sa harap ng mukha ko ngayon.

"Ano 'to?" tinusok ng hintuturo ko ang bula at pumutok ito.

Gulat kaming tatlong tumingin sa harap namin ngayon lalo na si Lei

'Ahahahahaha.'

Nakatingin kami ngayon kay Lei na tumatawa. Nakaupo ito sa sofa at naka-akbay sa isa sa mga babaeng kasama niya. May kasama siyang dalawang babae, parehas nasa gilid niya. Nasa P.O.V kami ngayon ni Lei.

Masaya itong nakikipaglandian sa mga babae niya. Eww, mas maganda pa ako sa mga babae niya, eh.

"A-ano ito?" gulat na tanong ni Lei. Aba malay ko kung ano 'yan.

Bumukas bigla ang pinto at pumasok sa loob si Raven. Bigla naman tumigil si Lei sa pagtawa at naging seryoso bigla ang mukha nang makita si Raven.

'Mahal na Prinsipe, kayo ay pinapatawag ng Mahal na Reyna.' magalang na sabi ni Raven.

'Tsk.'  singhal niya bago tumayo at tahimik na sumunod kay Raven.

'Mahal na Prinsipe, hindi dapat-'

'Alam ko. Paulit-ulit niyo lang iyan sinasabi sa akin ni Ina. Alam kong dapat hintayin ko ang susunod na reyna ngunit hindi ba ako pwede magsaya man lang? Ang susunod na reyna ay nagpapakasiya sa kanilang mundo samantalang ako ay naghihintay lamang dito para sa pagdating niya at hindi pa pwede magsaya.'

'Hindi iyon ang-'

'Oo na oo na.' iritang sabi ni Lei at unang naglakad kaysa kay Raven.

Bigla iyon nawala at may mga tubig na tumalsik sa paligid.

Tahimik si Lei at Arthur dahil sa nakita nila. Kahit din ako ay napatahimik.

The Other WorldWhere stories live. Discover now