29

48 4 0
                                    

RIN P.O.V

Hindi ako mapakali ngayon dahil sa nangyari ngayong araw. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan ni Reina.

Asa kwarto kami ni Reina ngayon dito muna ako dahil sira ang palasyo ng Shisakilzen at yung dalawa naman ay gusto lang dito.

Ang mga tao naman sa labas ay kumokonti dahil siguro ay binabalik ang iba sa dapat na kaharian nila. Si Morpheus naman iniwan ako bigla at sumunod sa mga kapatid niya.

Tinanong ko kung sino sila kay Morpheus. Ang nagtatanong ay ang panganay sa kanila, si Ginoong Azrael. Yung tahimik naman ay si Ginoong Kupido at yung pala ngiti ay Ginoong Deseo.

Yung tatlong lalaki pala na hindi ko kilala na pumoprotekta kila Hazel kanina ay soul familiar nila. Pinangalan na nila 'yon ng malaman nila.

Ang pangalan ng kay Hazel ay Leo, kay Akira ay Arthur at ang kay Reina naman ay Jack. Yung soul familiar ng tatlo ay tumutulong ngayon sa paglipat ng mga tao sa bawat kaharian. Pero ang mga nakatira sa Shisakilzen ay mananatili muna dito habang inaayos 'yon ng hari at ng ibang Royalty.

"Rin? Iniisip mo ba agad yung mangyayari bukas?" tanong ni Hazel at tumango tango lang ako.

"Iniisip mo ba ngayon kung ano ang magic ni Aylene?" tanong niya at napatigil naman ako.

Oo mga, noh. Ano pala magic ni Aylene? Shit! Hindi ko alam pero alam ni Aylene na ang magic ko ay Earth magic pero hindi naman niya alam yung kaya kong gawin.

"Gusto mo ba mamasyal sa palasyo? O pumunta tayo sa garden ng Miaguazu?" suggest ni Hazel kaya napaisip naman ako. Tumango naman ako.

Gusto kong marelax kahit papaano dahil hindi ko naman alam ang mangyayari bukas kahit isipin ko pa 'yon.

Tumayo ako at sumama naman sila Akira samin ni Hazel papuntang garden.

Habang papunta kami doon ay madami kaming nakakasalubong na Royalty at halatang ako ang pinaguusapan nila. Hanggang dito pa naman ay uso pa rin ang chismis.

Nang makarating kami agad sa garden ng Miaguazu ay namangha agad ako sa iba't ibang bulaklak na nakikita ko. Ang mas nakakamangha pa ay may lawa dito. Garden pa ba 'to? Bakit iba yung garden nila sa garden ng Shisakilzen?

In-explore naming apat yung garden na 'yon. Habang nagtitingin naman ako sa mga bulaklak ay biglang may nag-abot sa'kin ng bulaklak. Tinignan ko naman kung sino 'yon at nakangiting inaabot sakin ni Ginoong Deseo ang bulaklak.

"Ginoong Deseo, bawal pong pumitas ng bulaklak dito." sabi ko naman at napatigil siya at nanlaki ang mata.

"B-bawal ba?" tanong niya at tumango naman ako. Sinabi samin ni Reina 'yon bago kami magkahiwalay.

"Huwag mo na lamang sabihin sa iba na pumitas ako." sabi ni Ginoong Deseo at tumango naman ako.

Bumalik ulit ako sa pagtingin ng mga bulaklak

"Maaari ba akong magtanong, Binibining Rin?" tanong ni Ginoong Deseo. Tinignan ko naman siya at tumango.

"Paano ka nakawala sa mahika ni Morpheus?" tanong niya kaya nagtaka naman ako.

"Po?" takang tanong ko.

"Imposibleng makawala sa mahika ni Morpheus. Kahit kaming magkakapatid ay nahihirapan kahit pa na alam namin ang kapangyarihan niya at ang dapat gawin para makawala ay hindi pa rin naman magawa. Kaya papaano ka nakawala, Binibining Rin?" tanong niya kaya mas lalo naman akong naguluhan.

Ano ba ang magic ni Morpheus? Ginamit ba ni Morpheus ang magic niya sa'kin? Kailan niya ginamit?

"KUYA! ANO NA NAMAN BANG GINAGAWA MO?! ISUSUMBONG TALAGA KITA KAY KUYA AZRAEL!" bigla namin narinig ang boses ni Morpheus.

The Other WorldWhere stories live. Discover now