66

39 2 0
                                    

Naghahanda na ako umalis papuntang Ihyopa. Si Rei at Akira ay mukhang matatagalan bago makasunod sa'min. Nagsisimula pa lang kasi si Akira alisin ang mga lason sa hangin at si Rei naman ay patuloy ang paggawa ng mga gamot.

Nang ready na ako ay agad kong tinawag si Morpheus para umalis. Nagpaalam muna ako kila Reyna Gladice. Sinabihan ko rin sila Neil na kila Prinsesa Ysabelle muna sila mananatili.

Dumeretso na kami ni Morpheus sa labas ng palasyo. Nagtransform siya sa malaking anyo niya at inakyat ko muna yung ibang gamit na kailangan namin sa pupuntahan namin bago ako umakyat. Nang naging komportable ako ay lumipad na palayo si Morpheus.

Halos ilang oras ang inabot namin bago kami makarating sa Ihyopa. Sinalubong kami ng mga knights at ilang katulong.

Asaan si Hazel?

Bumaba ako at kinuha naman ng mga knights ang bitbit kong gamit. Sa di kalayuan ay nakita ko si Leo na naglalakad palapit dito.

Yumuko siya sa harap ko bago magsalita.

"Maligayang pagdating sa palasyo ng Ihyopa, Binibining Rin." tumango na lang ako dahil hindi ko alam isasagot ko.

"Si Binibining Hazel ay nag-aantay sa inyo sa kaniyang kwarto." sabi nito.

Sinabi ko naman na ihatid ako roon at tumango naman siya at magalang na sumagot. Umalis naman saglit si Morpheus, maglilibot lang daw siya saglit sa bayan na pupuntahan namin.

Naglakad kami ni Leo sa kwarto ni Hazel. At nang makarating kami ay kumatok muna siya bago buksan ang pinto.

Sumilip ako sa loob at nagulat sa daming papel at libro ang nakakalat sa sahig.

Nilingon naman kami ni Hazel at nginitian.

"Andito ka na pala, teka lang." tumayo siya at niligpit ang mga papel malapit sa kaniya.

Naglakad siya palapit samin at tinatapakan na lang niya yung mga libro at papel na nasa sahig. Naka paa naman siya kaya okay lang. Tinanggal ko naman ang suot kong sapatos at naglakad din papasok sa loob.

"Anong nangyari sa kwarto mo? Akala ko ba matatapos mo agad yung gawain mo?" takang tanong ko kay Hazel.

"Matagal ko ng tapos 'yon." sabi naman ni Hazel.

"Ano 'tong mga nakakalat dito?" tanong ko naman.

"About sa enchantment magic ko." sabi naman ni Hazel. Naglakad kaming dawa papuntang higaan niya at umupo doon.

"Enchantment magic mo?" tanong ko at tumango naman siya.

"Hindi ko rin alam paano pero karamihan sa mga reyna ng Ihyopa ay may Enchantment magic and I can use it too." sabi ni Hazel at nagbanggit ng salita. May biglang sumulpot naman na apoy na hugis dragon ang lumitaw sa gilid niya.

"I'm learning some attack magic, at tinitignan ko rin kung mayroon din kayong Enchantment magic pero wala akong nahanap ni-isa." sabi ni Hazel at humiga.

Napatingin naman ako sa mga papel at librong nasa sahig. May nakikita pa akong formation na kung ano-ano roon.

"And nabalitaan ko ang ginawa mo sa isang Royalty." napatingin naman agad ako kay Hazel na nakangisi ngayon.

"I literally laugh out loud in front of the Royalty here." tumatawang sabi ni Hazel.

"Kamusta yung sa kasal niyo ni Kevin?" iniba ko agad ang topic. Nawala naman bigla ang tumatawang mukha ni Hazel pagkarinig ng tanong ko.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon