83

24 7 1
                                    

Third Person P.O.V

Agad lumipad si Morpheus kung nasaan ang MC nang marinig niya ang sinabi ni Rin. Nagulat ang MC nang makita si Morpheus pagdating nito. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Morpheus at agad sinabi ang dahilan ng pagdating niya.

"Kailangan mong i-anunsyo ang pagkapanalo ni Binibining Akira." agad na utos ni Morpheus sa MC.

"N-ngunit hindi pa nasuko si Binibining Lalisha. Wala pang nasuko sa dalawang panig." halos magdikit ang kilay ni Morpheus sa narinig niya.

"Mukha bang may pag-asa pang manalo si Binibining Lalisha? Hindi na rin kaya ng pamilya niya makipaglaban sa apat na Binibini." sabi ni Morpheus at tinuro ang stage kung saan naglalaban ang pamilya ni Lalisha at nila Akira.

Kung saan saan kumikidlat at bumubuga ng apoy ang dragon. Makakakita ka rin ng sea serpent ngunit mawawala rin agad dahil sa init ng paligid. At higit sa lahat may nakakamatay na halaman at bulaklak ang nakakalat sa paligid.

"Kung ayaw mo makakita ng bangkay at maging bangkay din ang iyong katawan ay i-anunsyo mo na ang pagkapanalo ni Binibining Akira." banta ni Morpheus at nilabas nito ang awra niya kaya agad pinagpawisan sa takot ang MC at agad na nagsalita.

[A-AKING IA-ANUNSYO ANG RESULTA NG LABAN!]

"Ayusin mo ang iyong pagkakasabi. Baka isipin nila ay may nagbabanta sa'yo."

[A-ahem! Dahil sa biglaang pagsuko ni Binibining Lalisha ay ang nagwagi sa patimpalak ay si Binibining Akira.]

Nang marinig iyon ni Morpheus ay agad siyang umalis at pinuntahan ang kinaroroonan ni Arnel. Naisip niya na hindi nila makukumbinsi si Binibining Rin kahit ano pang sabihin nila kaya kailangan niya ang taong kayang kumbinsihin si Binibining Rin.

Para kay Morpheus si Arnel ay may mahabang pasensiya at kalmado magsalita kaya kaya nito kumbinsihin si Rin. Kung siya at ang ibang Binibini ang kukumbinsi kay Rin ay iinit lamang ang ulo nila sa tigas ng ulo ni Rin at hindi mareresolba ang problema.

Agad nakita ni Morpheus si Arnel na nage-ensayo mag-isa sa palasyo.

"GINOONG ARNEL!" pagtawag ni Morpheus sa ginoo na nage-ensayo.

Napatingala si Arnel nang marinig ang boses ni Morpheus.

"Ginoong Morpheus?" taka nitong sabi at huminto sa ginagawa. Kinuha niya ang towel at pinunasan ang pawis niya.

Bumaba si Morpheus kung nasaan si Arnel.

"Kailangan mong sumama sa akin. Si Binibining Rin ay ayaw makinig sa amin." agad na sabi ni Morpheus.

"Bakit? May nangyari ba sa patimpalak?" tanong ni Arnel.

"Ipapaliwanag ko na lamang habang papunta tayo roon. Sa ngayon ay umalis na tayo." agad sinuot ni Arnel ang knight suit niya at sumama kay Morpheus.

Habang papunta roon ay sinabi ni Morpheus ang nangyari sa patimpalak. Nakinig lang ng mabuti si Arnel at agad naintindihan ang sitwasyon ni Rin.

Nang makarating ang dalawa ay agad lumapit si Arnel kay Rin at pinakalma ito.

Naiintindihan niya ang dahilan ng galit ng Binibini ngunit hindi niya hahayaan na gawin lamang niya iyon kahit pa naiintindihan nito ang Binibini. Ito ay simpleng patimpalak lamang at hindi kinakailangan madungisan ng dugo.

Nang ma pakalma nito ang Binibini ay agad lumapit sila Akira kay Binibining Lalisha na nakahandusay sa sahig. Pagkadating nila ay agad tinignan ni Hazel ang pala-pulsuhan nito at sinenyasan ang mga kaibigan na nahinga pa ito.

Sinubukan gamitin ni Reina ang Recovery magic niya ngunit walang nangyari.

"B-bakit?" takang tanong ni Reina sa sarili nang hindi gumana ang magic niya.

The Other Worldحيث تعيش القصص. اكتشف الآن