111

33 4 1
                                    


Halos dalawang araw na ang nakakalipas simula mangyari ang trahedya sa kaharian ng Shisakilzen. Nakaupo lamang si Rin sa tapat ng bintana niya habang pinagmamasdan ang kalangitan. Tahimik niya pinagmamasdan ang asul at puting ulap sa kalangitan

TOK TOK TOK

Hindi na nagabala pa sumagot si Rin o lingunin kung sino ang pumasok sa loob ng kwarto niya.

"Rin..." mahinang pagtawag ni Akira sa pangalan ng kaibigan niya. Kasama rin nito si Reina na nasa likod lamang niya.

Pumasok silang dalawa at sinara ang pinto. Nakita nila si Rin na nakaupo lamang at pinapanood ang ulap sa kalangitan. Nagkatinginan ang dalawa bago lumapit kay Rin.

Nilagay ni Akira ang isang kamay sa balikat ni Rin para kunin ang atensyon nito ngunit hindi pa rin sila kinikibo nito.

"Rin...ngayon araw ay kinakailangan namin bumalik ni Reina sa kaharian ng Miaguazu at Ningkahaze." panimula ni Akira at isang tango lang ang nakuha niya kay Rin.

"Mag iingat kayo." sabi ni Rin ngunit hindi niya tinignan ang dalawa.

Napabuntong hininga si Akira bago alisin ang kamay.

"Rin..." mahinang pagtawag ni Reina ngunit hindi siya pinansin ni Rin. Akmang magsasalita ulit siya nang hawakan ni Akira yung kamay niya kaya tumingin siya rito. Iniling iling ni Akira ang ulo niya kay Reina.

"Rin, si Hazel ay aalis din ngunit bukas pa. Sa kaharian ng Ihyopa niya balak ilibing si Niwe." saglit napahinto si Rin nang marinig ang sinabi ni Akira.

Sa loob ng dalawang araw ay hindi niya binalak kausapin si Hazel matapos nang nangyari. Ngayon lamang sumagi ulit sa isip niya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Hazel.

"Please lang, Rin. Magusap at magkaayos na sana kayo ni Hazel. Mauuna na kami ni Rei." sabi ni Akira bago nito isara ang pinto.

Napaisip saglit si Rin sa sinabi ni Akira at napag desisyunan nitong kausapin na si Hazel dahil ngayon araw na lamang ang huling pagkakataon na makausap ang kaibigan niya.

Tumayo siya mula sa upuan niya at lumabas ng kwarto niya. Naglakad ito papunta sa kwarto ni Hazel at habang papunta roon ay may nakasalubong siyang mga katulong. Yumuko ang mga ito sa direksyon niya at binati siya. Hindi siya umimik at dire diretso lang maglakad.

Nakarating ito sa kwarto ni Hazel at kumatok siya rito ngunit walang sumagot. Nagtataka niyang binuksan ang pinto ngunit pagbukas niya ay walang tao roon.

Taka niyang sinara ang pinto ng kwarto at muling may dumaan na katulong. Binati siya nang mga ito at akmang aalis na nang pigilan niya ang mga ito.

"Alam niyo ba kung nasaan si Hazel?" tanong ni Rin sa mga ito.

"Si Binibining Hazel po? Nakita po namin siya papunta sa opisina ni Reyna Gladice." magalang na sagot ng mga ito.

'Opisina ni Reyna Gladice?' takang tanong nito sa sarili niya.

"Maraming salamat." pagpapasalamat niya at nag lakad siya papunta sa opisina ni Reyna Gladice.

Habang papunta roon ay iniisip nito ang dahilan nang pagpunta roon ni Hazel. Maya maya lang din ay nakarating ito sa opisina at kumatok.

"Tuloy!" rinig niyang sigaw ni Reyna Gladice kaya binuksan niya ang pinto at agad niya nakita si Hazel na nakaupo katapat ng lamesa ni Reyna Gladice.

Bahagyang yumuko si Rin at binati si Reyna Gladice.

"May maitutulong ba ako sa'yo, Binibining Rin?" takang tanong ni Reyna Gladice dahil hindi nito inaasahan na pupunta sa opisina nito si Rin. Umiling iling naman si Rin sa tanong ni Reyna Gladice.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon