67

38 1 0
                                    

"Binibining Rin, nasa delikado ang buhay nila Binibining Hazel." seryosong sabi ni Morpheus kaya agad akong nagulat. Mukhang nagulat din ang iba dahil napatigil ito sa paggising sa kanila.

"Paano? Mukhang kailangan lang naman nila umalis doon."

"Hindi gano'n kadali 'yon, Binibining Rin. Kaya ka lamang nakaalis doon ay dahil nakaalis ka rin sa mahika ko noon. Ang mahika na ito ay mahina kumpara sa mahika ko kaya madali ka lang makakaalis. Ang mahikang ginamit sa inyo ay maaaring trauma magic." tinignan ko lang si Morpheus na parang naguguluhan.

Matagal ko ng naririnig yung nakatakas daw ako sa magic niya. Ginamit niya yung magic niya sakin? At trauma magic? May gano'n na magic?!

"Ang trauma magic ay ipapakita sa'yo ang mga alaalang gusto mong kalimutan. Kung nakaalis ka sa mahika na 'yon ay maswerte ka pero kung sakaling hindi ka makaalis ay maaaring hindi ka na magising pa kahit kailan at patuloy ka lang mananatili sa alaala hanggang sa malagutan ka ng hininga." paliwanag ni Morpheus at bigla naman ako kinilabutan.

"Paano natin matutulungan sila Hazel? Mukhang kailangan sila mismo ang kailangan gumising mag-isa." nag-aalalang sabi ko.

"May dalawang paraan para maligtas sila Binibining Hazel." nakinig naman ako ng mabuti kay Morpheus.

"Ang una ay hanapin at patayin ang may-ari ng mahika o kaya ay utusan na tanggalin ang mahika kila Binibining Hazel at ang pangalawa ay... kailangan mong pumasok sa kanilang alaala at ibalik sila rito." seryosong sabi ni Morpheus.

Ekis na natin yung unang suggestion niya.

"Pumasok sa alaala nila? Paano?" tanong ko.

"Bakit pangalawa ang pinili mo, Binibini? Mas madali ang una."

"Sabihin mo na paano!"

"Kaya kong ipasok ka sa kanilang alaala ngunit maaari mong makita ang alaalang gusto nilang makalimutan." napatigil naman ako sa sinabi ni Morpheus.

Makikita ko ang mga alaala nila na gusto nilang kalimutan? Bakit parang bumibigat na agad ang loob ko? Gusto nilang kalimutan 'yon panigurado ay hindi magandang alaala 'yon katulad ng akin.

"Kung maibabalik ko sila ay wala akong problema." determinadong sabi ko.

"Kung gano'n..." nagtaka ako dahil biglang pinatong ni Morpheus ang hintuturo niya sa noo ko at biglang nag blackout ang paningin ko.

Hazel P.O.V

Idinilat ko ang mata ko at tumingin sa madilim na kapaligiran ko. Hindi ko matukoy kung gaano kalawak ang paligid ko dahil madilim at walang ilaw ni-isa.

Mukhang may gumamit ng magic samin. Pagkatapos ko kilabutan sa gubat na pinuntahan namin ay nawalan agad ako ng malay. What kind of magic is it?

Tumayo ako at mabuti na lang at nakatayo ako ng maayos. Paano ako makakaalis sa magic na 'to? Bago muna ako makaalis kailangan alamin ko muna kung anong klaseng magic 'to? Paano ko naman malalaman kung puro dilim lang ang nakikita ko?

Napakunot ang noo ko ng unti unting nagbago ang paligid ko. Nang tuluyan ng nagbago ay nagulat ako ng makita ko ang batang ako sa isang study table at nakangiting nag-aaral.

Huh?

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si mama sa loob. Agad naman ako lumapit at yumakap kay mama.

What the hell is this?

Pinanood ko lang sila mag-usap dalawa.

"Nag-aaral ka ba ng mabuti?" tanong ni mama sa batang ako at nakangiting tumango ang batang ako.

The Other WorldHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin