97

36 5 0
                                    

Kagat kagat ni Akira ang kuko niya habang palakad lakad sa loob ng kwarto niya. Ni-lock niya ang pinto at nakapambihis na rin siya. Naka jumper short ito at white t-shirt. Naka robber shoes ito at naka ponytail ang buhok. May tatlong malaking bag ang nasa sahig. Ang isang bag ay puno ng damit niya, ang isa naman ay pagkain at ang isang bag ay puro pera, ginto, alahas at kung ano pa na pwede nilang ibenta na nakita niya sa kwarto niya.

"Asaan na ba si Hazel? Sumasakit na tiyan ko dahil sa kaba." kabadong saad ni Akira at pinunas sa damit niya ang namamasang kamay.

Bigla naman may lumitaw na portal sa kwarto niya kaya napatalon ito sa gulat. May dalawang tao ang lumabas doon.

"Hazel! Mabuti naman at nandito ka na. Anong-"

"Sshh." saway ni Hazel dahil halos sumisigaw na si Akira.

"Oopss, sorry." napatakip na lang ng bibig si Akira.

"Bitbitin mo na yung bag mo, bilisan mo." utos ni Hazel kay Akira at nakabusangot na sumunod si Akira sa kaniya.

"Hindi man lang iexplain sakin anong nangyayari." nakabusangot na bulong nito sa sarili.

"May sinasabi ka?"

"Wala."

Lumapit si Akira sa mga bag niya at binitbit ito. Ang isang bag ay sa likod niya at ang dalawa naman ay sa magkabilang kamay niya. 

"Ah! Isuot mo nga pala 'to." may inabot na bracelet si Hazel kay Akira. Nilapag ulit ni Akira ang bag niya at kinuha ang inabot ni Hazel sa kaniya kahit pa nagtataka siya kung para saan 'yon.

"Mamaya-" hindi natapos ang sasabihin niya nang biglang isuot ni Akira ang bracelet. Nanlaki ang mata niya sa gulat at hindi napigilan sumigaw.

"YOU DUMBASS!" pabulong na sigaw niya kay Akira at napatalon sa gulat ang dalawa.

Agad ni-recite ni Hazel ang spell sa portal. Binitbit nito agad ang bag na nasa sahig.

"Anong nangyayari?" kabado at naguguluhan na tanong ni Akira. Bigla silang nakarinig na mga yapak ng paa.

"Niwe! Bitbitin mo 'yon." sigaw niya at agad naman sinunod ng binata ang utos niya. Hinila niya si Akira papunta sa portal at agad na pumasok  roon at sumunod si Niwe.

At saktong pagkawala ng portal ay ang pagbukas ng pintuan ni Akira.

Sabay na bumagsak si Akira at Hazel sa sahig at kasunod si Niwe sa kanila.

"A-argh." daing ng dalawa at nagaalala naman nakatingin si Niwe sa kanila habang nakatayo.

"A-akira?! H-hazel?!" agad napatingala ang dalawa nang marinig ang mahinhin na boses ni Rei.

Naka long sleeve na dress na dark blue si Rei at naka half ponytail ang buhok niya.

Agad naman inalis ni Rei at Niwe ang bag na nakadagan sa dalawa at tinulungan sila tumayo. Pagkatayo nila ay agad na sinamaan nang tingin ni Hazel si Akira.

"Akira, you d*mb*ss." inis na sumbat nito sa kaibigan. Dahil sa narinig ay biglang nainis si Akira kay Hazel.

"Huh?!  Ano na naman kasalanan ko?!" inis na tanong nito kay Hazel.

"U-uhm, h-huminahon kayo." awat ni Rei sa dalawa pero parang wala silang narinig.

"Bakit sinuot mo agad yung bracelet? Muntik na tayong mahuli dahil sayo."

"Sabi mo suotin!"

"Suotin mo after ko buksan yung portal! Hindi mo kasi ako pinapatapos." inis na sigaw ni Hazel kay Akira.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon