30

56 5 0
                                    

RIN P.O.V

Nang makarating kami sa bayan nanlaki agad ang mata ko dahil puro dugo ang nakikita ko.

"Morpheus! Bumaba na tayo!" utos ko kay Morpheus at agad kaming bumaba.

Ginamit ko ang magic ko para tulungan ang ibang tao.

Asan si Arnel?

"Binibining Rin, si Nacy at ang ama niya!" sabi ng tinulungan ko kaya agad akong kinabahan.

Hinawakan ko sa balikat ang taong tinulungan ko.

"Asaan po sila?!" agad na tanong ko at tinuro niya ang likod ng bayan.

Tumakbo agad ako doon at sumunod naman si Morpheus sa'kin.

Nakita ko agad si Nacy sa bisig ng tatay niya habang nakikipaglaban sa demdra. Agad na lumipat ako ngunit biglang kinain ng demdra ang braso ng tatay ni Nacy.

Akmang sasaktan niya si Nacy ng lumipad si Morpheus palapit sa kaniya at sinipa ang pagmumukha ng demdra.

Agad naman ako lumapit sa tatay ni Nacy. Umiiyak ngayon si Nacy. Ginamit ko agad amg healing magic ko.

Mababalik ko ba yung braso niya?

"Binibining Rin." pagtawag sa'kin ng tatay ni Nacy agad ko naman siya tinignan at inaabot niya sakin si Nacy pero ayaw bumitaw ni Nacy sa damit niya.

Ngumiti naman siya sakin.

"Alagaan mo ng mabuti ang anak ko." nakangiti niyang sabi.

"P-po? Gagaling po kayo, papagalingin ko po kayo. Gagawin ko lahat gumaling lang-" hindi natuloy ang sasabihin ko ng mabitawan niya si Nacy.

Agad kong sinalo si Nacy bago pa siya mahulog. Tinignan ko naman ang tatay niya na nakapikit na ang mata.

Nanlaki agad ang mata ko. Hindi ko siya naligtas? Bakit? May healing magic naman ako, ah. Kaya bakit?

Patuloy lang naiyak si Nacy kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

I'm sorry, Nacy.

"RIN!" bigla kong narinig ang boses nila Akira kaya napatingin agad ako sa kanila.

Bakit sila nandito?

Lumapit sila agad sa'kin.

"Leo, tulungan mo ang mga tao. Ipunta mo sila sa ligtas na lugar at siguraduhin mong hindi sila masasaktan." utos ni Hazel kay Leo agad naman sumunod si Leo.

Inutusan din ni Akira at Reina si Arthur at Jack para tumulong.

"Morpheus, hanapin mo si Arnel." utos ko at tumango naman si Morpheus at tumakbo na palayo.

"Dito muna kayo, sigurado akong ligtas dito." sabi ko at inabot kay Hazel si Nacy na naiyak pa rin ngayon.

"RIN! SAAN KA PUPUNTA?" rinig kong tanong nila pero hindi ko na sila nilingon.

Tinulungan ko ang mga taong nakikita ko at tinuturo ang pwesto nila Hazel.

Asaan ka na ba Arnel?

Nilingon lingon ko ang paligid ko habang natakbo.

May nakita akong lalaking sinasaksak ang isang patay na demdra. Patuloy niya lang ito sinasaksak kahit pa patay na'to.

Arnel?

Tumakbo ako palapit at agad inawat si Arnel. Nanlaki naman ang mata ko dahil tinignan lang ako ni Arnel na walang kabuhay buhay.

A-anong nangyari?

The Other WorldWhere stories live. Discover now