47

47 4 0
                                    

RIN P.O.V

"Tsk, Rei samahan mo ko hindi ko alam daan papunta doon." sabi ni Akira at hinila na si Reina palabas ng kwarto.

Bakit naman pinakuha ni Hazel ng tubig si Akira? Kaya naman ni Reina mag produce ngayon ng tubig.

"Prinsipe Aizen, maaari mo ba ako bigyan ng tubig mula sa mahika mo?" tanong ni Hazel at tumango naman si Aizen.

Ginamit ni Aizen ang magic niya at may tubig na ngayon si Hazel.

Bakit mo pa pinakuha si Akira?

Ininom na ni Hazel yung tubig. Pagkaubos niya ay tinignan niya sila Leizyl, Kevin at Jasper.

Napabuntong hininga naman siya na parang ang laki ng problema niya.

"Kevin, Leizyl humingi kayo ng tawad kay Jasper." utos ni Hazel sa dalawa at agad na nagprotesta ang dalawa.

"Bakit naman namin gagawin 'yon?" protesta ni Kevin.

"Dahil hindi tama na pagsalitaan ng hindi maganda ang isang tao kahit totoo pa 'yon." paliwanag ni Hazel at natahimik naman sila.

"Kahit pa sabihin natin na totoo ang sinasabi niyo kay Jasper ay wala kayong karapatan na husgahan siya. Tanggapin niyo ang pagkakamali niyo at humingi kayo ngayon ng tawad kay Jasper." utos ulit ni Hazel pero hindi nagsalita yung dalawa.

"Ayos lamang ako, Binibining Hazel. Sanay naman ako na sabihan na mahina." sabi naman ni Jasper at napabuntong hininga ulit si Hazel.

"Kung sayo ay ayos lang kay Akira ay hindi." sabi ni Hazel na ikinataka naman namin.

Hindi ko talaga maintindihan takbo ng utak ni Hazel. Paano naman naging hindi okay kay Akira?

"Kaya nagalit si Akira at sinigawan kayo dahil hindi tama ang ginawa niyo at mas lalo siyang nagalit dahil tinatanggap mo lahat ng masasakit na salita na sinabi nila. Hindi niya kayo maintindihan kung bakit sinasabi at tinatanggap niyo lamang yung masasakit na salita na 'yon. Kaya gusto ko humingi kayo ng tawad kay Jasper ngayon kung ayaw niya magtanim ng galit si Akira sa inyo." paliwanag ni Hazel.

"Hindi niyo naman gusto na magtanim ng sama ng loob sa inyo ang susunod na reyna ng Ningkahaze, 'di ba?" pagtatanong ni Hazel. Hindi pa rin nagsalita ang mga lalaki.

"Kung hindi niyo kaya humingi ng tawad ngayon ay ayos lang. Gawin niyo na lamang 'yon kapag kaya niyo na." sabi ni Hazel.

"Pero kailangan mo humingi ng tawad kay Akira, Leizyl. Panigurado ay iiwasan at hindi ka niya papansinin. Ayaw mo naman siguro mangyari 'yon 'di ba?"sabi ni Hazel.

Sumenyas si Leizyl na lumabas sila ni Jasper kaya lumabas silang tatlo.

"Mabuti naman at gagawin nila." sabi ni Hazel at tinapos na ang pagkain niya.

Maya maya ay dumating si Jasper kasama si Reina at may bitbit silang tubig. Inabot ni Jasper yung tubig kay Hazel.

"Kamusta ang pag-uusap niyo?" tanong ni Hazel bago ininom yung tubig.

Ngumiti naman si Jasper kay Hazel.

"Maayos naman." nakangiti niyang sabi.

"Ah! Gusto ka daw makausap ni Prinsipe Kevin." sabi naman ni Jasper.

"Bukas na lang, gusto ko na magpahinga." sabi ni Hazel at akmang hihiga na ng pigilan ko siya.

Ang ganda ganda ng speech mo kanina tapos ayaw mo rin siya kausapin.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon