92

53 3 1
                                    

Patuloy lamang umiiyak si Rin habang hawak ang malamig na kamay ni Aylene. Sinusubukan pa rin niyang pagalingin ito ngunit walang nagbabago sa kalagayan nito. Nakarinig siya ng mga yapak ng paa na palapit sa kaniya pero hindi niya pinansin ito.

"Binibining Rin..." napatingala siya dahil sa pamilyar na boses na narinig niya.

"Morpheus *sob*" humihikbing pagtawag nito sa lalaki. Basang basa ang pisngi ni Rin dahil sa pagiyak niya. Ang suot niyang damit ay may mga dugo na hindi nila alam kung kanino.

Kitang kita ni Morpheus ang berdeng aura na nakapalibot kay Rin. Akala nito ay nakontrol na ng tuluyan ni Rin ang kapangyarihan ngunit nagkamali siya. Hindi pa tuluyan na kontrol ni Rin ang kapangyarihan nito. Muli ay hiniram nito ng pwersahan ang kapangyarihan ng unang reyna kaysa kontrolin ito.

"Morpheus *sob* si Aylene *sob* dahil sakin kaya *sob*" humihikbing sabi ni Rin.

Napadako ang tingin ni Morpheus sa babaeng hawak hawak ni Rin. Ang kaliwang braso nito ay wala na at may mga dugo ang umaagos mula roon. Naliligo rin ito sa sarili niyang dugo at napaka putla ng mukha nito.

Binalik muli nito ang tingin kay Rin na patuloy na umiiyak. Lumuhod ito sa tapat niya at dahan dahan inilagay ang ulo nito sa balikat niya. Dahil sa ginawa niya ay mas lalong umiyak si Rin.

"Ano na ang gagawin ko, Morpheus? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Dahil sakin kaya nangyari sa kaniya 'to." ngawa ni Rin sa balikat ni Morpheus. Hinagod lamang ni Morpheus ang likod nito upang patahanin ngunit mas lalo lamang ngumawa si Rin.

"Hindi mo kasalanan ito, Binibining Rin. Ginawa lamang ni Binibining Aylene ang tungkulin niya bilang isang knight." saad ni Morpheus. Napatigil saglit si Rin dahil sa narinig. Humiwalay bigla si Rin kay Morpheus na ikinataka nito.

Tinignan ni Rin si Morpheus at hindi ito makapaniwala sa narinig niya.

"Sinasabi mo ba na tama lang ang pagbuwis ng buhay ng isang tao basta't ligtas ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Rin.

"Isa iyon sa mga tungkulin ng isang knights. Ang masiguro na ligtas ang susunod na reyna at ang Mahal na Reyna." dahil sa narinig ay biglang nainis si Rin at hinawakan ang kwelyo ni Morpheus. Kalmado lamang nakatingin si Morpheus sa nangagalaiting tingin ni Rin.

"Knight man o hindi, hindi tamang ibubuwis mo ang buhay mo para lang masiguradong ligtas kami! Anong silbi ng kapangyarihan namin kung poprotektahan niyo lang din naman pala kami?! Hindi dapat nila kami pinoprotektahan! Kami ang dapat na pumoprotekta sa kanila!" sigaw ni Rin kay Morpheus. Hinawakan ni Morpheus ang kamay ni Rin na nasa kwelyo niya at bahagyang tinulak ang katawan ni Rin palapit sa kaniya.

"Kung gano'n bakit nangyari kay Binibining Aylene ito? Kung dapat na kayo ang pumoprotekta sa kanila, bakit nasa malamig na lupa si Binibining Aylene at walang buhay?" malamig na tanong ni Morpheus kay Rin. Bigla naman napatigil si Rin dahil sa narinig niya.

Unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak ni Rin sa kwelyo ni Morpheus hanggang sa tuluyan niya itong binitawan. Agad nanlumo si Rin dahil sa narinig. Muli nitong niyuko ang ulo niya at tinakpan ang mukha. Hinayaan nito muling tumulo ang mga luha niya.

"Dahil *sob* dahil mahina ako kaya nangyari 'to *sob*. Kung hindi sana ako kasama ni Aylene *sob* ligtas siguro siya." sabi nito habang humihikbi. Pinagmasdan muna saglit ni Morpheus ang berdeng aura na lumalabas sa katawan ni Rin.

Dahan dahan inangat ni Morpheus ang kamay nito at pinatong sa ulo ni Rin. Hinagod hagod nito ang buhok ng babae.

"*sob* h-hindi ko alam paano sasabihin ito kay Ron*sob*. Hindi ko alam paano siya haharapin*sob* Dahil sa akin, nawala yung babaeng mahal niya *sob*" patuloy sa pag-iyak si Rin at patuloy lamang hinahagod ni Morpheus ang buhok nito.

The Other WorldDonde viven las historias. Descúbrelo ahora