101

26 4 0
                                    


Hininto ni Jasper ang kabayo na sinasakyan niya at nilibot ang paningin niya. Katabi nito ang kuya niya na bumababa na mula sa kabayo nito. Sa likod ng dalawang prinsipe ay ang mga knights na naghahanda sa iuutos ng Mahal na Prinsipe.

Hinarap ni Prinsipe Ethan ang mga knights at inutusan na libutin na ang bayan.

Kakarating lamang nila sa bayan kung saan sila naka destino. Nang unti-unting umalis ang mga knights ay tumingin si Prinsipe Ethan sa kapatid na malalim ang iniisip.

"Jasper." pagtawag nito sa atensyon ng kapatid at nilingon naman siya nito.

"Ano ang iyong iniisip?" pagtatanong nito. Hindi nagsalita si Jasper at bumaba rin sa kabayo niya. Hinila nito ang kabayo niya at pinabantay sa mga naiwan na knights.

"Iniisip ko lamang ang kalagayan ng mga Binibini at ang dahilan nila kung bakit sila umalis." pagsagot niya sa tanong ng kuya niya.

Iniabot din ni Prinsipe Ethan ang kabayo niya sa knights na naiwan at nagbilin lang ng ilang bagay sa mga ito bago naglakad paalis at sumunod naman si Jasper sa kaniya.

"Dahil siguro hindi sila pinapayagan ng Mahal na hari at reyna lumabas ng palasyo ay nag suspetsiya sila na may tinatago ang mga ito. Akala nila siguro ay may tinatago ang mga Mahal na reyna at hari sa kanila." kibit balikat na sabi ni Prinsipe Ethan sa kapatid nito.

"Maaaring iyon nga ang dahilan kung bakit sila umalis ngunit...nasa delikado ang buhay nila kaya hindi sila pinapalabas." nagaalalang sabi ni Jasper kaya't tinignan siya ng kapatid niya bago nagsalita muli.

"Kung nahihirapan tayo mahanap ang mga Binibini ay paniguradong nahihirapan din 'sila'."

Napatingin na lamang sa sahig si Jasper habang naglalakad dahil sa alala sa mga Binibini.

May isang lalaki naman ang naka puting kapa na may hood. Ang hood niya ay natatakpan ang kalahating mukha niya kaya ay hindi mo makikita ang buong mukha nito at ang bibig lamang niya ang makikita mo. Pinagmasdan nito ang bayan kung nasaan ang mga Binibini.

Bigla naman siya pumasok sa isang store dahil nagkalat na ang mga knights sa paligid.

"Tsk."

"Waaah~ busog na ako." sabi ni Akira at sumandal sa inuupuan niya at hinawakan ang tiyan.

May mga babae at lalaki naman na naka bunny outfits ang pumunta sa lamesa nila para linisin ito.

"Gusto niyo na ba umakyat sa kwarto natin?" pagtatanong ni Hazel sa kasama niya at agad naman tumango si Akira. Nang sumangayon na ang lahat ay umakyat na ang mga ito sa kwarto nila sa itaas.

Hiwalay ang kwarto ng lalaki sa babae. Ang kwarto nila ay hindi gano'n kalaki ngunit tama lamang para sa kanila. Unang hinatid ni Hazel ang dalawang lalaki sa kwarto ng mga ito at pagkatapos ay pumunta na rin sila sa kwarto nilang apat.

Pagkapasok pa lang sa kwarto nila ay agad sumalampak si Akira sa sofa. Umupo rin sila Rei at Rin katabi ni Akira sa sofa. Lumapit naman si Hazel sa bintana ng kwarto at sumilip doon. Naging seryoso agad ang itsura niya nang makita ang mga knights sa labas na nagmamasid.

"Mukhang nakarating na sila rito." sabi ni Hazel at sinara ang bintana nila.

"Sila Jasper?" pagtatanong ni Rin at tumango naman si Hazel.

"Paano na tayo ngayon makakakuha ng impormasyon?" tanong ni Akira sa kaibigan.

"May tatlong maiiwan dito at may tatlong lalabas para maghanap ng ibang impormasyon. Ang mga nahanap natin na impormasyon ay tungkol lamang sa pagkawala natin. Wala pa tayong nahahanap ni-isang impormasyon tungkol sa tinatago ng mga hari at reyna."

The Other WorldWhere stories live. Discover now