21

46 1 0
                                    

RIN P.O.V

Nasa kwarto kami ngayon ni Reina. Inaantay namin na dumating si Akira. Nagkwentuhan lang kami ni Reina doon. Halos ako lang ang nagkkwento at nakikinig lang siya sakin.

*Tok**tok**tok*

Ako na ang nagbukas ng pinto. Yumuko naman si Karin ng makita ako.

"Si Binibining Akira at Binibining Hazel ay dumating na." sabi niya. Tinignan ko naman si Reina at tinawag siya.

"Reina, andito na daw si Akira at Hazel. Tara na, salubungin na natin sila." sabi ko at tumango naman si Reina at sumunod kami kay Karin. Pero malayo pa lang kami sa labas ng palasyo ay naririnig ko na ang boses ni Akira.

"Ano ba 'tong gown na'to nakakairita!" rinig kong reklamo ni Akira. Hindi ko aakalain na namiss ko yung pagrereklamo niya.

Nang lumiko kami ay nakasalubong namin sila Akira. Nanlaki naman ang mata nila ni Hazel ng makita ako.

"RIN!" sigaw ni Akira at tumakbo palapit sakin at yumakap.

"Balak ka pa naman sana namin sunduin sa Shisakilzen, buti na lang nandito ka. Bakit ka pala nandito?" napabitaw naman si Akira sa pagkakayakap sakin at tinanong ako.

"Sinauli ko yung mga diary." sagot ko naman at napatango tango naman ako.

"Tara na sa kwarto ni Reina." sabi ni Akira at hinila si Reina.

"S-sa kabila yung d-daan, Akira." rinig kong sabi ni Reina. Napasapo naman kami ni Hazel sa noo naman. At sumunod din kami ni Hazel kila Akira. Andito din si Raven at nakasunod lang sila ni Karin sa likod namin ni Akira.

"Alam mo ba kung bakit sinundo ako at pumunta dito si Akira?" tanong sakin ni Hazel at umiling naman ako.

"Dahil sa pagdiriwang na gaganapin sa bawat palasyo. Nagreklamo siya kay Reyna Ann dahil gusto din daw niya umattend ng pagdiriwang natin at ang unfair daw kung sabay sabay na araw ang pagdiriwang natin. Kaya sinundo niya ako at pumunta dito para gumawa ng rally sa mga Reyna na huwag pagsabayin ang pagdiriwang."paliwanag ni Hazel.

"Panigurado ay gusto lang niya kumain ng mga handa natin sa pagdiriwang." sabi ko at sumangayon naman si Hazel sakin.

Nang makarating agad kami sa kwarto ni Reina ay umupo agad si Akira sa sofa katabi niya si Reina at umupo naman kami ni Hazel katapat nila.

"Ehem! Kaya ako nagpunta ngayon dito dahil sa gaganapin na pagdiriwang natin." panimula ni Akira.

"Alam niyo ba na iisang araw lang gaganapin yung pagdiriwang natin apat?! Ang panget kaya ng ganon! Dapat isa-isa lang muna para maka attend tayo sa pagdiriwang ng isa't-isa. Sangayon ka diba, Reina?" tumango naman agad si Reina sa tanong ni Akira.

"Gusto mo rin maka-attend ng pagdiriwang ko diba, Reina?" tumango ulit si Reina.

"Kung ganon magpoprotesta tayo sa Reyna na dapat huwag pagsabayin ang pagdiriwang natin apat! Sino sangayon sakin, taas kamay!" sigaw ni Akira at itinaas naman ni Reina ang kamay niya. Tinignan lang namin siya ni Hazel na parang nababaliw na.

"Hindi kayo sang-ayon, Hazel? Rin?" tanong niya samin.

"Hindi ka pwede sa mga campaign, Akira. Ang panget ng speech mo." deretsang sabi ni Hazel kaya napabusangot naman si Akira.

"Gusto ko lang naman umattend sa pagdiriwang niyo, ah." nakabusangot na sabi niya.

"Hindi ko sinabi na hindi ako sang-ayon sa idea, ang panget lang talaga ng speech mo." sabi ulit ni Hazel kaya nagliwanag naman bigla ang mukha ni Akira.

The Other WorldOù les histoires vivent. Découvrez maintenant