53

38 3 0
                                    

RIN P.O.V

Pagtapos ng nangyari ay may inabot si Morpheus samin na jacket at jagger. Tinignan lang namin siya na may pagtataka.

"Para saan 'to?" tanong ko kay Morpheus.

"Suotin niyo 'yan ngayon dahil lalabas na tayo." sabi ni Morpheus at inutusan niya ang mga lalaki na lumabas ng kwarto ko para makapagbihis kami.

Pagtapos namin magbihis ay bumaba na kami at nakabihis na rin ang mga lalaki.

Sila Morpheus ay naka jacket at pants samantalang ang mga prinsipe at si Arnel ay naka knight suit. Naka mask din sila.

Inabutan din kami ni Morpheus ng mask at pinasuot. Sinuot namin 'yon at hindi na tinanong kung para saan 'yon.

"Lumabas na tayo, mga binibini huwag kayong hihiwalay sa soul familiar niyo." sabi ni Morpheus kaya lumapit ako sa kaniya. Lumapit din sila Hazel kila Leo. 

"Mag-iingat kayo, Ginoong Morpheus." sabi ni Aizen kay Morpheus at tinanguan lang siya ni Morpheus.

"Hindi sila kasama, Morpheus?" tanong ko kay Morpheus.

"May iba silang kailangan gawin sa lugar na 'to. Huwag kang hihiwalay sakin." sabi ni Morpheus at lumabas na. Kumaway naman ako kay Arnel at kumaway din siya pabalik.

Naglakad na kami papalayo sa bahay namin.

"Saan tayo pupunta, Morpheus?" tanong ni Hazel na  nakakapit sa braso ni Leo.

"Sa Dessert Rose." sagot ni Morpheus.

"Desert Rose? Pupunta ba tayo sa Rafflesia?" takang tanong ulit ni Hazel at umiling naman si Morpheus.

"Ano naman gagawin natin sa Desert Rose? Eh ang sabi sa papel na pinulot ko nasa Rafflesia ang mga tao." takang tanong ko kay Morpheus.

"Malalaman niyo rin kapag nakarating na tayo roon." sabi na Morpheus.

"Bakit hindi mo ba kayang sabihin ngayon?" tanong ko sa kaniya.

"Binibining Rin, huwag kang magsimula ngayon. Hindi natin kasama si Ginoong Arnel. Magtimpi ka muna." sabi ni Morpheus at tinignan ko naman siya ng masama.

"Anong ibig mong sabihin?" seryosong tanong ko sa kaniya.

"Ang ibig sabihin ni Morpheus, Rin. Nawawala ka na naman daw sa sarili mo." pagsingit ni Akira.

"Hindi naman, ah!" sigaw ko.

Normal lang naman magtanong kung may tanong ka 'di ba? Porke nagtanong lang wala na agad sa sarili.

"Maglalakad lang ba tayo papunta roon?"tanong ni Hazel kay Morpheus at umiling naman si Morpheus.

"Lalayo lang tayo sa lugar na 'to at magbabago kami ng anyo para makarating tayo sa Desert Rose." paliwanag ni Morpheus.

Naglakad kami nang naglakad palayo sa bayan na 'yon. Nang malayo na kami ay nagtransform na sila Morpheus sa malaki nilang anyo. Sumakay kami sa kaniya-kaniya namin soul familiar.

[Komportable ka na ba sa pwesto mo, Binibini?]

Tumango ako sa tanong ni Morpheus.

"Ayos na ako rito." sagot ko.

[Kumapit ka ng mabuti.]

Sinunod ko ang utos ni Morpheus at kumapit nga ako ng mabuti. Bigla siya tumakbo ng napakabilis.

Nakita ko naman na lumilipad sa itaas si Arthur at sakay nito si Akira.

"Kitakits na lang tayo guys!" sigaw ni Akira at kumakaway pa samin.

The Other WorldWhere stories live. Discover now