Side Story (2)

31 0 0
                                    

Nakarating sila Morpheus at Niwe kung nasaan sila Hazel at Reina. Ang alon ng apoy at tubig ay nagsasalpukan sa gitna ng bayan. Kung titignan mo ay akala mo naga-away ang langit at lupa.

Natagpuan nila si Prinsipe Aizen na sinusubukan lumapit kay Rei ngunit dahil sa alon na nakapalibot sa Binibini ay nahihirapan ito.

Napalunok ng laway si Niwe dahil apoy ang nakapalibot kay Hazel.

"Paano tayo lalapit kay Binibining Hazel?" kabadong tanong nito kay Morpheus.

"Ihahagis kita." kumapit ng mabuti si Niwe dahil sa sinabi ni Morpheus.

"Ako ay nagbibiro lamang, baka mapunit mo ang aking damit."

Nagsimula nang lumipad si Morpheus palapit kay Hazel. Habang lumalapit sila ni Niwe ay pinapalibutan niya ang katawan nila ni Niwe ng mahika upang hindi sila masaktan sa apoy.

"Binibining Hazel!" pagtawag ni Niwe sa Binibini na sinusubukan ngayon kontrolin ang kapangyarihan niya.

Gulat na tumingin ang binibini sa dalawa. Mas lalong naging aggresibo ang alon.

Ibinaba ni Morpheus si Niwe at agad lumapit kay Hazel pero umatras lang si Hazel.

"Huwag kang lalapit, masyadong delikado kung lalapit ka." sabi ni Hazel habang naatras pero hindi nakinig si Niwe at patuloy na naglakad sa Binibini.

Nang makalapit siya ay agad niya hinawakan ang kamay ni Hazel dahil don ay mas lalong naging aggresibo ang alon.

"Ginoong Niwe!" sigaw ni Morpheus mula sa itaas ngunit hindi siya narinig ng binata.

Lumipad na sa itaas si Morpheus dahil hindi na niya kaya ang kapangyarihan na inilalabas ni Hazel. Nag-aalala itong tumingin kay Niwe.

Unti-unting nakakaramdam ng init si Niwe dahil sa apoy na nakapaligid sa kanila ni Hazel. Nasusunog na rin ang manggas ng damit nito. Napansin iyon ni Hazel at inis na sinigawan si Niwe.

"Ano ba satingin mo ang ginagawa mo?!Hindi ba't sinabi ko nang huwag kang lalapit dahil delikado?! Ano ba satingin mo ang magagawa mo rito?!" inis na sigaw ni Hazel at iwinaksi ang kamay ni Niwe.

"Andito ako upang tulungan ka makontrol ang iyong mahika." sabi ni Niwe habang tinitiis ang init na dumadampi sa balat niya.

"At paano mo naman ako tutulungan? Ako nga walang magawa, ikaw pa kaya?" alam ni Hazel na hindi tama ang sinasabi niya at masasaktan niya ang binata ngunit hindi niya mapigilan ibuntong sa binata ang inis niya.

"Atlis ako ay alam ko kung paano ilahad ang nararamdaman ko. Paano sabihin sa iba ang tunay na nararamdaman ko at hindi nagpapakitang tao sa kanila." mas lalong nainis si Hazel na naging dahilan ng paglawak ng alon at aggresibong paggalaw nito.

"Huwag kang magsalita na parang alam mo ang lahat!" sigaw nito sa binata.

"Hindi ako nagsasalita na parang alam ko dahil alam ko naman talaga Binibini!" sigaw pabalik ni Niwe.

"Wala kang-"

"Hindi mo sinasabi kung sino ka talaga sa mga Binibini! Takot ka na makilala ka nila at mabago ang tingin nila sa'yo! Tuwing nakakasama mo ang mga Binibini ay patuloy mo iniisip ang bagay na 'yon ngunit hindi mo magawang iwasan ang mga Binibini dahil takot ka maging mag-isa!" biglang natahimik si Hazel dahil sa sinabi ni Niwe.

"Takot kang maging mag-isa dahil buong buhay mo ay mag-isa ka lamang! Nasanay ka na ang tingin sa'yo ng lahat ay isang perpektong tao kaya 'yon din ang pinapakita mo sa Binibini! Nasanay kang dumedepende sa'yo ang lahat! Ayaw mong dumepende kahit koonti sa ibang tao! Buong buhay mo hinihingi mo ang pagmamahal ng isang tao na kahit kailan hindi magawang tumingin sa'yo katulad ng pagtingin mo sa tao na 'yon!" hindi na napigilan ni Hazel at sumigaw na ito kasabay ng pagpatak ng luha niya.

The Other Worldحيث تعيش القصص. اكتشف الآن