74

36 1 0
                                    

Rin P.O.V

Asa labas kami ngayon apat at tumutulong sa pamimigay ng pagkain ng mga tao. Simple lamang ang suot namin at tinago namin ang kwintas namin dahil hindi pa rin nila pwedeng malaman na kami ang susunod na reyna.

At sila Kevin at Leizyl ay tuwang tuwa na inuutusan si Hazel at Akira. Goodluck sa inyong dalawa mamaya.

Nililibot namin kada bahay at inaabutan namin ng pagkain. Gano'n lamang ang ginawa namin hanggang sa maggabi. Naligo muna ako bago sumalampak sa higaan ko.

Grabe napagod yung katawan ko sa ginawa namin.

Sa sobrang pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog ako na basa ang buhok ko.

Pagkagising na pagkagising ko ay sermon ni Morpheus agad ang bumungad sakin. Dahil binasa ko raw ang higaan ko. Hindi ko man lang daw inantay matuyo ang buhok ko bago ako matulog.

Malay ko bang makakatulog agad ako pagkahiga ko?

Nakabusangot akong bumaba at nakita silang nakain.

"Anyare, Rin? Bakit narinig ko yung sigaw ni Morpheus?" tanong ni Akira at kinwento ko naman sa kanila. Tinawanan naman ako ni Akira.

Nang matapos kami kumain ay bumalik kami sa pagtulong sa bayan. Nang mapagpasyahan namin magpahinga muna saglit apat ay umupo kami sa gilid at kumain din ng pagkain na inihanda nila Morpheus para sa'min.

"Wala pa rin ba binibigay ang mga reyna ng impormasyon tungkol sa susunod na pupuntahan natin?" pagtatanong ni Akira at umiling naman ako.

"Wala pa rin ako naririnig mula kay Morpheus bukod sa sermon niya." natawa naman sila sa sinabi ko.

Mukhang nagiging okay na ang pakiramdam nila lalo na si Akira. Mukhang tamang lang na tinanggap namin ang tulong ni Ginoong Deseo.

Sa kalagitnaan ng pagpapahinga namin ay bigla naman dumating si Morpheus na kasama si Niwe. Agad kaming nagtaka ni Hazel at curious naman na tumingin si Akira sa binata.

"Magandang araw, mga binibini." bati samin ni Niwe.

Tinignan ko si Morpheus na may pagtataka at pinaliwanag naman niya.

"Sasama si Ginoong Niwe sa atin sa pagpunta sa ibang bayan. Nakuha ko na ang permiso ng mga reyna kaya wala na tayong problema. At gusto rin ni Ginoong Niwe na sumama dahil hindi pa raw niya tapos tulungan si Binibining Hazel." paliwanag ni Morpheus.

"Hmm? Anong ibig sabihin ng sinabi niya, Hazel? At sino siya?" pagtatanong ni Akira.

"Siya si Niwe, siya ang tumulong samin para mahanap ang daan kung nasaan ang mga tao. Ang mahika niya ay Eyes of truth." paliwanag ko naman.

"Woah...kaya pala ganiyan ang kulay ng mata niya. Ano yung tungkol kay Hazel?" tanong ni Akira at sabay kami tumingin kay Hazel.

Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano ang tungkol doon.

"Huwag niyo ko tignan ng ganiyan dahil hindi ko rin alam ang ibig sabibin ni Niwe. Akala ko ay tinutukoy niya na tutulungan ako sa problema natin sa bayan ngunit mukhang nagkamali ako." sabi naman ni Hazel.  Tumingin kami kay Niwe at nakangiti lamang ito.

"Ano pala ang ginagawa niyo rito, mga binibini? Bakit hindi kayo natulong?" tanong ni Morpheus.

"Nagpapahinga lang kami at kumakain lang saglit." pagsagot ko naman.

"Bumalik na kayo pagkatapos at Binibining Hazel, iiwan ko muna sayo si Ginoong Niwe. Marami pa akong dapat tapusin." sabi ni Morpheus bago lumayas.

The Other WorldWhere stories live. Discover now