16

56 1 0
                                    

AKIRA P.O.V

Nasa isang kwarto kami ni Reyna Gladice at ang sama ng tingin niya sakin. Sareh~ hindi ako nakapagisip ng maayos,eh.

"Anong kailangan mo at ginawa mo 'yon?" tanong ni Reyna Gladice.

"Diary ng pang 25 na Reyna ng Shisakilzen. Pwede ko ba mahiram 'yon?"pagtatanong ko. Mukhang nagulat si Reyna Gladice sa sinabi ko kaya nawala agad ang ngiti ko.

Oho~mukhang may alam ang Mahal na Reyna,ah.

"Reyna Gladice maaari ko bang mahiram yung diary?" ulit ko pero tinignan lang ako ni Reyna Gladice pero hindi katulad kanina na masama. Ang tingin ay may pagaalinlangan.

The moment I came here and heard na sa mundo namin pumipili ng Reyna. Tinanong ko agad sa sarili ko kung 'bakit?' At nang sabihin ni Rin na ayaw niya maging Reyna ay tutol ang 4 na reyna. Sabi nila isang paraan lang daw pero hindi ako tanga. Galing din sila sa mundo namin at alam kong ginawa din nila ang ginawa namin ni Rin pero may rason kung bakit hindi sila bumalik. At base sa mga diary na nababasa ko unti unti ng luminaw sakin.

Kami lang ang pwedeng maging Reyna. At kung sakaling babalik talaga kami ni Rin sa mundo namin at hindi isisilang ang panibagong hari para sa susunod na reyna ay mananatili dito sila Reyna Gladice at Reyna Ann. Hindi sila babalik sa mundo namin.

"Bakit hindi ka nasagot, Reyna Gladice?" seryoso kong tanong.

"Hindi mo pwedeng mabasa 'yon." sagot naman niya at agad na kumunot ang noo ko.

"Bakit?" pagtatanong ko ulit. Nakipagtitigan naman si Reyna Gladice sa'kin.

"Bakit gusto mo mabasa 'yon?" tanong naman niya.

"Dahil may nabasa ako sa isang diary na may ibang paraan pa para makabalik sa mundo namin na hindi nagiging reyna. Pero ang pinaka gusto kong malaman ay kung bakit hindi bumalik ang reyna na 'yon kahit pa may iba pang paraan. At ngayon mas gusto ko malaman ang dahilan mo, Reyna Gladice. Mukhang alam mo kung paano bumalik pero hindi ka din bumalik." sagot ko sa tanong niya. Nakipagtitigan pa sakin si Reyna Gkadice pero maya maya ay napabuga ito ng hangin na para bang sumusuko na siya.

"Mas okay sana kung wala kayong nahanap ni Rin. Kaya ayoko sabihin sa inyo ang tungkol sa diary. Pero dahil gustong gusto mong malaman sumama ka sakin. May pupuntahan tayo." biglang tumayo si Reyna Gladice. Saan naman kami pupunta?

"Saan naman tayo pupunta?" pagtatanong ko.

"Basta." 'yon lamang ang sinabi niya. Pagkabukas niya ng pinto ay may dalawang guwardiya ang nagaantay doon.

"Ihanda niyo ang kabayo. May pupuntahan kami ni Binibining Akira." utos ni Reyna Gladice sa mga gwardiya. Agad naman sumunod ang mga 'to.

Bigla naman may maliliit na liwanag ang pumalibot kay Reyna Gladice at nagbago ang suot niya. Naka knight suit siya pero pambabae. Mas bet ko yung suot ni Reyna Gladice. Parang makakatakbo agad ako.

Naglakad palayo si Reyna Gladice at nakasunod lang ako sa kaniya. Saan naman kami pupunta? Ang bigat pa naman ng katawan ko.

Nang nasa labas na kami ng palasyo ay nakahanda na ang kabayo. Sumakay na si Reyna Gladice at inalalayan niya ako makasakay. Kumapit ako sa bewang niya. Wala bang kotse dito?

Napakapit ako ng mahigpit ng biglang tumakbo ng mabilis ang kabayo. As in ang bilis ng takbo ni hindi ko na nga nakikita ang dinadaanan namin,eh. Kabayo ba talaga 'to? Mamaya hindi pala,ah.

Maya maya ay huminto ang kabayo sa pagtakbo. Lumingon lingon ako pero hindi ako makakita ng maayos dahil sa pagtakbo ng kabayo. Naikot paningin ko.

The Other WorldOnde histórias criam vida. Descubra agora