88

31 4 0
                                    

Reina P.O.V

Laking gulat ko sa pagkahulog ko sa butas na nasa paa ko. Naipikit ko na lamang ang mga mata ko habang dumadausdos ang likod ko sa lupa.

Naramdaman ko ang pagkawala ng lupa sa likod ko at ang pagkahulog ko sa sahig.

"Argh..." mahinang daing ko at unti-unting umupo.

"Hmm? Binibining Rei?" napahinto ako sa pwesto ko nang marinig ang boses ni Arnel.

"Andito si Binibining Rei?" nagulat din ako nang marinig ang boses ni Niwe.

"Si Binibining Rei ang bumagsak? AIZEN! GINOONG JACK! SI BINIBINING REI NANDITO!" at mas lalo akong nagulat nang marinig ang boses ni Prinsipe Ron at ang pangalan na binanggit niya.

May narinig ako na yapak ng paa na palapit. May naglahad ng kamay niya at tinanggap ko naman iyon.

"Ayos ka lang ba, Binibini?" rinig kong tanong ni Arnel sa akin.

Si Arnel ang naglahad ng kamay sa akin.

"A-ayos lamang ako." mahinang sabi ko.

"Binibining Rei!" narinig ko bigla ang pagsigaw ni Jack sa pangalan ko kaya napalingon agad ako sa direksyon niya. Madilim ang paligid at wala kang makikita na kahit ano.

"Jack." pagtawag ko sa pangalan niya at nakarinig ako nang tumatakbo sa dereksyon ko.

May dalawang kamay ang marahan na humawak sa balikat ko.

"Ayos ka lang ba, Binibining Rei?" alalang tanong niya. Tumango ako kahit pa hindi nila ako makita.

"Ayos lamang ako..." nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Binibining Rei." narinig ko bigla ang pagtawag ni Aizen kaya agad akong nagtago sa likod ni Jack at pasimpleng tumingin kay Aizen.

"Ikaw lamang mag-isa ang dumating?" bigla naman nagtanong si Arnel at tumango ako ulit.

"A-ako lamang...A-asaan sila Rin?" sinubukan kong huwag ma-utal ngunit hindi pa rin ako sanay magsalita ng deretso sa ibang tao.

"Hindi rin namin alam nasaan ang ibang Binibini. Mukhang pinaghiwa-hiwalay tayo." pagsagot ni Arnel sa tanong ko.

Wala sila Rin dito? Kung gano'n nasaan sila?

Naging tahimik saglit ang paligid at maya maya ay biglang nagsalita si Aizen.

"May nakita kaming daan kanina ni Ginoong Jack ngunit nagi-isa lamang iyon." paliwanag ni Aizen.

"Isang daan lamang?" takang tanong ni Niwe at tumango naman si Aizen.

"Isang madilim na daan."

Isang madilim na daan lang ang mayroon sa lugar na 'to? Hindi ko na kailangan tanungin kung bakit isang daan lamang ang mayroon. Ang mga Demdrang iyon ang may kagagawan nito.

"Binibining Rei, gusto mo ba makita ang daan?" biglang tanong sa akin ni Jack at dahan dahan akong tumango.

Kumapit ako sa braso niya at naglakad kaming dalawa. Sumunod naman ang iba sa amin sa paglalakad.

Kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit ito ginawa ng mga Demdra. Kailangan ko muna i-summarize ang mga impormasyon na alam ko.

Una, hindi ko kasama sila Rin at kasama ko ang dalawang Prinsipe at sila Ginoong Arnel at Niwe.

Kung hindi ko kasama sila Rin ay malaki ang tyansa na pinaghiwa-hiwalay kaming apat ng Demdra. Kung pinaghiwa-hiwalay nila kami ibig sabihin ay may gagawin silang hindi maganda sa isa sa amin. Maaaring may makalaban kaming Demdra sa bawat lugar.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon