3

170 9 0
                                    

Naghanap ako ng walis at nakakita ako ng dalawa nito. Kinuha ko iyon at tumingin sa mga kasama ko. Ang nakaputing pilipiñana ay lumulutang na at nasa itaas ito nagpupunas. Tinignan ko ang babaeng-nagtanong-sakin-ng-dereksyon, hindi siya nakilos o tumutulong man lang. Lumapit ako sa kanya at inabot ang isa pang walis.

"Magwalis tayo doon ako magsisimula doon ka naman sa kabila." tinuro ko ang kusina kung saan ako magwawalis at tinuro ko din ang sala kung saan siya magwawalis.

"Kami na maglalampaso pagtapos niyo magwalis." saad ng dalawang babae na may bitbit na maliit na balde na may laman na tubig at pamunas.  Tumango ako sa kanila.

"Paano?" biglang tanong ng babaeng-nagtanong-ng-dereksyon.

Nagtaka ako sa tanong niya.

"Anong paano?"

"Paano magwalis." nanlaki ang mata ko ng itanong niya yon.

"Hindi ka marunong?!" gulat na tanong ko sa kaniya at umiling lang siya.

Hinawakan ko ang walis ko at pinakita ko sa kaniya kung paano magwalis.

"Ganto magwalis, ipunin mo sila sa isang pwesto shaka mo dakutin." saad ko sa kanya at tumango siya.

"Wala pala tayong dustpan." tumingin tingin ako sa paligid baka sakali may makita akong dustpan pero wala.

"Try namin maghanap sa labas." saad ng dalawang may hawak na maliit na balde. Binaba nila iyon at lumabas ulit.

"Magwalis na tayo basta ipunan mo lang sa isang pwesto yung kalat." saad ko sa kanya at tumango siya.

Pumunta na ako ng kusina at nagwalis doon. Panay ang silip ko sa kaniya baka kasi nahihirapan siya pero hindi naman siya nahihirapan. Di pa talaga to marunong magwalis? Parang marunong naman siya,eh.

Lumapit sakin ang isang babae na bitbit ang dustpan. Sakto tapos na ko magwalis. Dinakot ko ang kalat at lumabas para itapon sa labas ang kalat. Pagkatapos ay naghanap din ako ng pamunas para tumulong sa pagpunas sa kusina. Nang makahanap ako ay tumulong agad ako sa paglalampaso.

"Ano pangalan mo?" bigla niyang tanong.

"Rin." sagot ko naman.

"Akira." nakangiti naman niyang saad.
"Saang kaharian ka?" tanong niya ulit.

"Shisakilzen." sagot ko ulit.

"Ako sa Ningkahaze."

"Pagdating ko kaya dito nagulat pa ako kasi yung mga tao nakakalipad." nagtaka ako sa sinabi niya.

"Nakakalipad?" tumango siya sa tanong ko.

"Sabi ng reyna matutunan ko din daw yon kapag nagensayo daw ako." pagkatapos niya magsalita ay wala ng nagsalita samin dalawa.

Napahinto ako sa paglalampaso at tinanong ko siya.

"Gusto mo ba makaalis dito?" tanong ko sa kanya. Napahinto ito at sinagot ang tanong ko.

"Kung pwede bakit hindi. May alam ka bang paraan pano makaalis dito?" umiling ako sa tanong niya.

"Sa pagkakaalam ko isang paraan lang ang pwede." pinagpatuloy niya ang paglalampaso at sinabi niya "ang maging reyna ng isang kaharian."

"So papayag ka maging reyna? Hindi ka maghahanap ng ibang paraan?" pagtatanong ko sa kanya. Huminto siya ulit.

"Kung may iba pang paraan panigurado na ginawa na yon ng mga reyna pero wala ng ibang paraan." nagpatuloy na ulit siya "kung di ay mamuhay dito." dugtong niya pa. Wala na akong nasabi sa sinabi niya at nagpatuloy na ulit sa paglalampaso.

The Other WorldWhere stories live. Discover now