95

39 1 0
                                    

Nasa kwarto ako ngayon kasama si Morpheus. Nagpaiwan sila Arnel at Nacy sa hardin. Mukhang gusto pa maglaro ni Nacy doon.

Nakaupo ako sa higaan ko habang yakap yakap ang unan ko. Nakatayo naman si Morpheus sa di kalayuan at tinatanggal nito ang gloves at mga pabigat na nakasuot sa katawan niya.

"Maaari mo bang sabihin sa akin ang kasalanan ko, Binibining Rin?" masaya ang boses niya nang sabihin niya ito kaya kinalibutan ako.

Baliktad talaga role namin sa buhay.

"Saan ka nagpunta at anong ginawa mo? Sabi mo kanina may trabaho kang tinapos, ano 'yon?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Natawa siya saglit dahil sa inakto at hindi ko pagsagot sa tanong niya.

Anong nakakatawa, ha?! Satingin mo ba natutuwa ako sa banta mo?

"Tinulungan ko lang si Reyna Gladice magligpit ng mga kalat sa paligid." pagsagot niya. Nang matapos siya ay lumapit siya sa akin. Huminto siya sa harap ko at nakatingala lang ako sa kaniya. Pinatong niya ang kamay niya sa noo ko upang tignan ang body temperature ko.

"Ang tinutukoy mo bang kalat ay yung mga Demdra?" tanong ko habang ginagawa niya 'yon. Tumango lang ito sa akin.

Biglang sumagi ulit sa isip ko ang sinabi ni Hazel sa akin mula sa sulat.

Binawi na niya ang kamay niya at muling nagsalita.

"Wala ka naman nararamdaman na kakaiba, 'di ba?" tanong niya at umiling iling ako. Bigla siyang tumitig sa akin nang matagal kaya't tinignan ko siya na may pagtataka.

"Naalala mo ba ang nangyari?" alangan na tanong niya at muli akong umiling.

"Ang huling naalala ko lang ay si Aylene na unti-unting nawawalan ng buhay sa harap ko." nang sabihin ko iyon ay bumagsak ang tingin ko sa ibaba at biglang bumigat ang hangin sa paligid. Ilang saglit lang ay nagsalita ako muli.

"...naalala ko rin na nagaway tayo at sinisigawan kita pero di ko maalala kung bakit." nang sabihin ko iyon ay tumingala ako sa kaniya para humingi ng sagot. Nagkibit balikat lang siya sa akin at tinalikuran ako.

Muli siyang bumalik sa mga gamit niya na nasa sofa at sinuot niya muli ang mga 'yon.

"Wala lamang 'yon. Huwag mo nang isipin 'yon." saad niya habang sinusuot muli ang gloves at knight suit niya.

"Hindi ako makakabalik ng tatlong araw. Huwag kang lalabas sa palasyo at kung may kailangan ka ay sabihin mo na lamang kay Prinsipe Ron o sa mga katulong." saad niya kaya bigla akong nagtaka at nagulat sa sinabi niya.

"Kakabalik mo lang, ah. Aalis ka na agad? At bakit hindi ako pwedeng lumabas?" agad na tanong ko at tumayo na sa pwesto ko. Lumapit ako sa kaniya at huminto sa likuran niya.

"Kailangan ng ibang reyna ang tulong ko kaya't pupuntahan ko sila. Masyadong delikado sa labas kaya't manatili ka muna rito." pagsagot niya sa tanong ko. Nang matapos siya sa pagsuot ng mga tinanggal niya kanina ay hinarap niya ako.

"Maliwanag ba?" umiling iling ako sa tanong niya at halatang hindi niya nagustuhan iyon.

"Hindi ba't mas mabilis ang trabaho kung tutulong kami? Kung delikado nga sa labas ay mas kailangan namin tumulong sa inyo."

"Hindi na kailangan, kaya na namin gawin iyon. Magpokus ka na lamang sa pagkontrol mo ng kapangyarihan mo." akmang aalis na siya ng hilain ko ang laylayan ng damit niya. Marahas akong umiling sa sinabi niya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko manatili rito kung pwede naman ako tumulong sa inyo. May healing magic ako at pwede ako tumulong sa mga-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang marahas niya tanggalin ang kamay ko sa damit niya at tinignan ako ng seryoso.

The Other WorldWhere stories live. Discover now