82

34 5 0
                                    

[⚠ Ang kabanata na ito ay may mga salita na hindi kaaya aya sa ibang mambabasa.]

Kabado ako nakatingin sa limang taong nakatingin ng masama sa amin. Panaka naka ang tingin ko kay Hazel. Nag-aantay ako ng signal ngunit wala siyang binibigay at kalmado lang.

Bigla naman bumuntong hininga si Hazel at tumingin kay Akira.

"You provoke them too much. Wala akong sinabi na lagyan mo ng usok...ang sabi ko torture-in mo lang kung sakaling ayaw sumuko." agad ako nagulat at tumingin kay Hazel.

Hindi ba't mas malala 'yon?!

"It's no fun kung susundin ko lang yung instruction mo." sabi naman ni Akira.

"Kung gagawin mo lang din pala na ganito ay sana sinugatan mo man lang ang babae at pinalakas ang hangin sa loob para mas lalong hindi nakahinga ang babae."

"Hindi ko naisip 'yan. Magandang idea 'yan."

Normal lang ba na ganito ang conversation?

Agad ako gumawa ulit ng dome at sakto na kumidlat ulit.

*BOOOM*

*BOOOM*

*CRACK*

Sh*t muntik na 'yon. Buti na lang at naramdaman ko agad iyon.

"Iyong pakawalan ang aking anak." sabi ng isang medyo matandang lalaki na ama ng babae.

"Hindi maaari, hindi pa tapos ang laban at hindi rin kayo pwede mange-elam sa laban namin." pagsagot naman ni Akira.

"Walang sinabi na hindi kami pwede mange-elam." pagsagot naman na medyo matanda na babae na nanay ng babae.

"Kailangan pa po bang sabihin ang alam na ng lahat? Alam ng lahat na hindi maaaring mange-elam ang iba sa laban ng iba. Kung pwede pala sumali edi sana pinasali ko na rin ang hari at reyna sa laban nila." sarkastikong sabi ni Hazel at sinamaan siya ng tingin ng kapatid na lalaki. Mukhang mas bata ang mga kapatid ng babae kaysa sa kaniya. Siya ata ang panganay.

"Huwag mo bastusin ang aking Ina!" sigaw nito kay Hazel.

"Bakit hinubaran o hinipuan ba ni Hazel?" sarkastikong tanong ni Akira.

Akmang lalapit sila ng itali ko ang paa nila sa sahig.

Bakit ba sa ganito lang nagkakasundo 'tong dalawa?

Ginamit nila ang magic nila at nakaramdam ako ng kuryente sa pwesto namin kaya agad kong ginamit ang magic ko at tumalon mula sa pwesto ko at sinalo ako ng mga dahon.

Sinama ko na rin yung tatlo at saktong pagkaalis namin ay nasira ang lupa dahil sa kuryente.

"Akin dapat papalampasin ang nangyari ngunit nagbago ang aking isip." sabi ng tatay ng babae at may lumalabas na kuryente sa katawan niya at nakatakas siya sa pagkakatali sa halaman ko.

Sinenyasan ako ni Hazel at agad ko naman na gets 'yon.

Mula sa likod namin ay gumawa ako ng mga higante na gawa sa lupa. Si Hazel naman ay gumawa ng mga dragon sa kalangitan at si Rei ay gumagawa ng shield namin.

Agad kong nakita ang pagkagulat sa mata ng mga tao at sa mga nasa harap namin.

"Gusto niyo ba magpa-unahan tayo kung sino sa aming dalawa ang unang malalagutan ng hininga?" tanong ni Akira.

Sa pwesto ng babae ay nagkaroon ng tubig at unti-unting umaangat ang tubig.

"Kung matatalo niyo kami ay makakalaya ang inyong anak at kung hindi niyo kami matatalo at hindi rin kayo sumuko kapag napuno na ng tubig iyon ay alam niyo na ang mangyayari."

The Other WorldWhere stories live. Discover now