116

34 7 0
                                    

Dahil hindi ko pa rin makita ang anino ni Morpheus ay napag pasiyahan kong i-summon na lang siya.

May berdeng liwanag ang lumitaw sa sahig at nakita ko agad si Morpheus na nagtatakang nakatingin sakin habang may hawak pa rin na mga papeles.

Padabog akong lumapit sa kaniya at marahas na hinawakan ang kwelyo nito.

"Si Akira! Kailangan natin puntahan si Akira!" mabilis na sabi ko at taka pa rin siyang nakatingin sakin.

Inalog ko siya dahil sa tingin na binibigay niya sakin.

"BI.LI.SAN.MO!" inis na sabi ko at habang inaalog siya.

"Binibining Rin, nahihilo ako. Oo na oo na." hinawakan nito ang kamay ko na nasa kwelyo niya para patigilin ako sa ginagawa ko.

Tumigil ako at tinanggal ang kamay ko sa kwelyo niya. Inayos nito ang nakusot na damit niya at binuksan ang bintana. Tumalon siya mula roon at sumilip naman ako sa baba.

Nag-anyo ng malaking hayop si Morpheus at nang maging steady ang paglipad niya ay hindi na ako nagdalawang isip pa at tumalon agad ako. Sinalo naman ako ng mga malambot na balahibo ni Morpheus.

Lumipad na kami palayo sa palasyo.

[May nangyari ba kay Binibining Akira?]

"...hindi ako sigurado sa nangyari." saad ko at hindi na muling nagtanong pa si Morpheus.

Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa palasyo ng Ningkahaze. Gulat na nakatingin ang mga guwardiyang nagbabantay nang makita kami ni Morpheus.

Hindi pa nakakalapag si Morpheus sa lupa ay tumalon na agad ako.

"B-binibining Rin?! A-ano pong-" hindi natapos ang sasabihin ng guwardiya nang kumaripas ako ng takbo papasok sa loob ng palasyo.

Bahala na si Morpheus sumagot sa mga tanong nila.

Habang natakbo ako ay ginagamit ko ang mahika ko para buksan ang mga pinto. Ilang minuto lang din ay nakita ko na ang pinto sa opisina ni Akira. Nang makarating ako sa tapat non ay padabog ko binuksan iyon at napatingin sakin si Hazel.

Nakaupo pa rin silang dalawa sa sahig at humahagulgol naman ng iyak si Akira sa balikat niya. Asa tabi rin ng dalawa si Arthur na malungkot na nakatingin kay Akira habang hinahagod nito ang buhok ni Akira.

"Rin, buti naman nakarating ka na. Asaan si Morpheus?" tanong sakin ni Hazel habang hinahagod nito ang likod ni Akira.

Huh? Bakit hinahanap niya si Morpheus?

Bago pa ako makapagsalita ay dumaan bigla at nilagpasan ako ni Morpheus. Dere-deretso siyang naglakad papunta kay Akira at nang nasa tapat na siya nila Hazel ay lumuhod siya sa harap ng mga ito.

Hinawakan ni Morpheus ang ulo ni Akira na nasa balikat ni Hazel. May puting liwanag naman ang biglang umilaw mula sa palad ni Morpheus at bigla na lamang nawalan ng malay si Akira.

Nang mawalan ng malay si Akira ay binuhat ito ni Arthur. Agad naman ako tumabi sa daan upang makalabas si Arthur. Nang sumarado ang pinto at kaming tatlo na lamang ang naiwan ay agad ako tumingin kay Hazel upang tanungin siya ngunit napatigil din agad ako nang makita ko ang ekpresyon sa mukha ni Hazel.

Nakaupo pa rin ito sa sahig at yakap nito ang sarili niyang braso. Ang mga tingin niya ay nasa sahig lamang at napansin ko ang lungkot at luhang namumuo sa mata niya.

"Hazel?" mahinang pagtawag ko sa pangalan niya at umupo katabi niya. Napalunok ito ng laway upang pigilan ang pag-iyak niya.

"...I suddenly remember him." mahinang sabi nito na nagpatigil sa'kin.

The Other WorldWhere stories live. Discover now