64

32 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Dinilat ko ang mata ko at umupo ng maayos.

Hindi pa rin nagigising sila Arnel.

*Tok**tok**tok*

"Bukas 'yan!" sigaw ko at pumasok ang mga knights sa loob. Mukhang narinig na ng Mahal na hari at ni Reyna Gladice ang ginawa ko.

Yumuko sila bago magsalita ang isa.

"Kayo ay pinapatawag ng Mahal na Reyna at ng Mahal na Hari." sabi nito. Tumayo naman ako at tinignan ang dalawang mahimbing na natutulog bago sumunod sa mga knights.

Nakarating kami sa isang hallway at sa dulo ng mahabang hallway ay nakaupo si Reyna Gladice at ang asawa nito. Nakaupo rin doon si Ron at nag-aalalang tumingin sakin. Nakita ko naman nakapameywang na nakatayo si Morpheus sa harap ng Hari at Reyna.

Tumayo naman ako sa tabi ni Morpheus. Nakatingin ito sa mga nakaupo sa taas na para bang naiinip.

"Binibining Rin, ano ang ginawa mo sa pamilya ni Gng. Amores?" tanong ng hari. Sa boses pa lang ng hari ay halatang pinipigilan niyang magalit.

"Ikinulong ko sila, Mahal na hari." magalang na sagot ko.

"Narinig namin ang detalye kay Ron ngunit hindi ko maintindihan ang intensyon mo, Binibining Rin. Bakit hindi mo sinabi sa'kin at kumilos ka mag-isa?" takang tanong ni Reyna Gladice.

Tinignan ko naman si Reyna Gladice.

"Hindi ko po maintindihan ang tanong ng Mahal na Reyna. Bakit kailangan ko pong sabihin sa inyo?" takang tanong ko.

Nagulat ang lahat na naroon at agad na nagbulungan. Pati ang mga nakaupo sa harap ko ay nagulat din.

"Binibining Rin, hindi tama ang ginawa mo. May tamang prosesa para gawin 'yon." kalmadong sabi ni Reyna Gladice.

"Kung ang tinutukoy niyo, Mahal na Reyna ay sa batas na sinabi rin kahapon ng babae ay hindi mo po maaaring magamit iyon sa kasong ito." sabi ko at nakinig naman sila.

"Sa batas na 'yon ay nakasaad na ang Mahal na Reyna at Hari ang hahatol sa lahat ng kaso ng mamamayan sa kaharian. Dahil responsibilad nila ang lahat ng taong nasasakupan nila. Ngunit, si Arnel ay hindi nakatira sa loob ng kaharian at responsibilad ko siya kaya hindi maaaring hatulan ng Mahal na hari at reyna ang kasong ito." paliwanag ko.

"Naintindihan ko ang iyong paliwanag, Binibining Rin ngunit hindi pa rin tama na pagdesisyon mo ang bagay na 'to." sabi ni Reyna Gladice.

"Maaari mo bang sabihin sakin kung bakit, Mahal na Reyna?"

"Dahil kabilang si Gng. Amores sa Royalty, kaya hindi lamang si Ginoong Arnel ang sangkot dito."

"Sinasabi mo ba Mahal na Reyna na may 'special' na batas para sa mga Royalty?" tanong ko sa Mahal na Reyna.

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, Binibini. Ngunit hindi tamang ikaw lamang ang magdedesisyon tungkol sa kasong 'to."

"Bakit? Dahil may Royalty na kasama sa kasong 'to? Sinasabi mo ba na kapag ang ibang tao na hindi kasapi sa Royalty ay maaari kong gawin ang ano man gusto kong gawin?"

"Hindi iyon ang nais kong ipahiwatig, Binibining Rin. Hindi mo basta basta pwedeng hatulan at parusahan si Gng. Amores. Katulad na nakasaad sa batas, responsibilidad namin sila dahil nabibilang sila sa nasasakupan namin. May karapatan din kaming hatulan at magbigay ng opinyon sa kasong ito." paliwanag ni Reyna Gladice.

"Kung gano'n ay papakinggan ko ang opinyon niyo pero sa isang kondisyon."

"Ano 'yon, Binibini?" tanong ni Reyna Gladice.

The Other WorldWhere stories live. Discover now