6

87 3 0
                                    

Pagkatapos namin kumain ay agad kaming bumalik ni Akira sa kwarto namin. Pinakita ko kay Akira ang libro na kinuha ko sa library.

"Pupunta ba tayo ulit sa library na 'yon?" tanong ni Akira at tumango ako. Umupo ako sa higaan ko.

"Kapag wala talaga tayong mahanap don try natin sa ibang library." sabi ko at humiga na sa higaan ko. Humikab si Akira at nag goodnight na sa akin. Nag good night din ako at tuluyan ng natulog.

~~KINABUKASAN~~

Dinilat ko ang mata ko at bumangon na sa higaan ko. Tulog pa rin si Akira. Pumunta ako ng CR para maghilamos. Habang naghihilamos ako napatitig ako sa lagayan ng maruming damit dito sa CR. Sa pagkakaalala ko doon ko nilagay yung gown ko,eh. Pero walang gown doon. Baka kinuha na ng mga katulong dito. Pero ni-lock namin yung pinto kagabi,eh. Ah! Bala na saan mapunta yung gown na 'yon. Lumabas na ako ng CR at lumapit sa natutulog na Akira.

"Akira...gising." paggising ko sa natutulog na Akira pero umikot lang siya sa kabila at natulog ulit. Napakahirap naman gisingin ni Akira.
*Knock* *Knock*

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok

"Binibining Rin? Binibining Akira? Handa na ang inyong umagahan." rinig kong sabi ni Aylene. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon.

"Uhmm, tulog pa kasi si Akira, eh." sabi ko yumuko si Aylene bago magsalita.

"Kung ganon aantayin na lamang namin ang paggising ni Binibining Akira." sabi niya at naglakad palayo. Hmm, parang may mali kay Aylene. Karamihan naman sa mga kumakausap samin yumuyuko pero nakikipag eye contact pa rin naman sila minsan sakin. Pero si Aylene iniiwas na makipag eye contact sakin.

"Rin?*yawn* ang aga mo naman gumising." napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Akira. Nags-stretch siya.

"Good morning, handa na daw yung pagkain natin." sabi ko sa kanya.

"Good morning din. Ang sarap ng tulog ko." sabi niya habang nags-stretch. "Maghihilamos lang ako tapos punta na tayo doon." bumangon na siya at pumunta ng CR. Sinarado ko ang pinto at lumapit sa bintana. Dumungaw ako at kita ko ang ibang bahay mula sa malayo. Puro puno at bulaklak ang nakapaligid sa kaharian. Tumitig lang ako doon hanggang sa matapos si Akira sa CR.

Lumabas kami ng kwarto at nag-aabang na si Chiko samin.

"Bakit hindi ka man lang kumatok, Chiko?" pagtatanong ko. Naglakad na kami at sinusundan lang namin si Chiko.

"Ayoko makaabala sa inyo, Binibini." sagot niya sa tanong ko.

"Wala kaming ginagawang importante." sabi ko hindi na kumibo si Chiko at tuloy tuloy lang ang paglalakad namin.

Bakit ba ang laki ng palasyo na 'to?

"Pagtapos ba natin kumain pupunta na tayo agad sa library?" pagtatanong ni Akira at tumango lang ako.

Nakarating na kami at katulad kagabi ay ang daming pagkain at may mga katulong ulit sa gilid. Tinapik ni Akira ang balikat ko at nilingon ko siya. Umalis na pala si Chiko.

"Gusto mo ba pasabayin natin sila ulit sa pagkain?" bulong niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kung gagawin mo yung ginawa mo kahapon huwag na lang." pagtapos ko sabihin iyon ay naglakad na ako sa lamesa at umupo.

"Maaari niyo ba kami samahan kumain ulit?" nakangiting tanong ni Akira sa mga katulong at umiling lang sila.

"Ehh? Hmm..." lumapit siya sa lamesa at dahan dahan hinawakan ang kutsilyo.

The Other WorldWhere stories live. Discover now