77

39 2 0
                                    

Akira P.O.V

Idinilat ko ang mata ko at agad bumungad ang hindi pamilyar na kisame sa paningin ko. Dahan dahan naman ako umupo.

Clang!

Tinignan ko ang kadena na nasa kamay ko. Bakit ako naka kadena? Wait, asaan ako?

Sinubukan ko tanggalin ang kadena gamit ang magic ko pero hindi iyon natanggal. Mali, hindi gumana ang magic ko.

Hinawakan ko ang ulo ko at sinubukan alalahanin ang nangyari.

Sa pagkakaalala ko, umihi lang ako at nang pabalik na ako may biglang sumulpot na tatlong tao na naka cloak. Lalaban na dapat ako pero nailagay nila agad ang kadena sa kamay ko at parang may pina amoy sila sa akin. At ang huli ko na lang nakita ay ang pagpasok namin sa loob ng isang portal.

Pero...sino sila at nasaan ako?

Nilibot ko ang paningin ko. Maliit lang ang kwarto kung nasaan ako pero may higaan naman. Higaan lang talaga nandito sa kwarto ko. Wala man lang lamesa.

Pero mukhang nasa isa akong kulungan dahil sa bar.

Sinubukan kong lumapit sa bar para makasilip sa labas pero maiksi lang ang kadena.

"HELLLO?! MAY TAO BA D'YAN?!" wala na akong maisip na paraan.

"TAO PO!!" sigaw ko ulit pero nag-echo lang ang boses ko.

Asaan na ba yung mga dumakip sa akin?Iniwan na lang ba nila ako rito? Imposible...

"Bahay kubo kahit munti..." pagkanta ko dahil walang dumadating kahit anong sigaw ko.

Dinakip dakip niyo ko tapos hindi niyo ko papansinin.

Bakit kaya nila ako dinakip? Imposibleng magnanakaw sila. Maayos pa rin ang suot ko at hindi naman ako nag bitbit ng pera nung umihi ako. Wala rin gold na nakakabit sa katawan ko. Ibig sabihin hindi pera ang habol nila.

Ano naman kaya ang habol nila sa'kin?

Natapos na ang kanta at akmang kakanta ako ulit nang may humampas sa bar kaya nagulat ako.

Tinignan ko ang lalaking naka cloak na may hawak na kahoy.

"Binibini, paki tikom ang iyong bibig. Ika'y nakakaistorbo."

Kung hindi niyo ko dinakip walang mang i-istorbo sa inyo.

"Bakit niyo ko dinakip? At asaan tayo?" agad na tanong ko.

"Wala akong obligasyon na sagutin ang iyong katanungan, Binibini."

"Huh?! Hindi mo ko bibigyan ng sagot pagkatapos kita kantahan?!"

Nasayang lang talent ko sa'yo.

"Hindi kagandahan ang iyong boses kaya tama lang na wala kang matanggap na sagot. Ika'y matulog na lamang ulit." nagulat ako nang may pumalibot na usok sa kwarto ko. Napuno ng usok na 'yon ang silid at unti-unti ako nawalan ng malay.

Don't tell me ang kumidnap sa akin...

.
.
.

Idinilat ko ang mata ko at bumangon sa malamig na sahig. Anong oras na?

"Mabuti naman at gising ka na. Kumain ka na at gusto ka makita ni madam." sabi ng isang lalaki at naglapag ng pagkain sa loob ng silid ko.

Tinignan ko muna ang pagkain ko bago magsalita.

"Madam? Ano naman kailangan ng madam mo sa isang talented na kagaya ko? Gusto ba niya na kantahan ko siya?"

"Kumain ka na lamang." umalis na ito.

The Other WorldWhere stories live. Discover now