34

53 5 0
                                    

RIN P.O.V

Nagising ako ng maaga dahil biglang nagising si Nacy. Ngayon babalik sila Nacy at Arnel sa bayan.

Pinaliguan ko na agad si Nacy at binihisan. Nilagay ko na rin sa bag niya yung mga damit na pinagawa ni Hazel. Nagdala din ako ng mga laruan.

Bigla naman may kumatok at pumasok sila Hazel sa loob.

"Babalik na talaga si Nacy?" nakabusangot na sabi ni Akira at tumango naman ako.

"Kailangan na nila bumalik." sabi ko at binuhat si Nacy.

Dumating na yung pagkain namin dito sa kwarto namin ni Nacy. Dito na rin kumain sila Hazel. Sinusubuan ko lang si Nacy ng pagkain.

Saktong pagtapos namin kumain ay biglang may kumatok at pumasok sila Morpheus at Arnel.

Nagtaka ako dahil may dalawang malaking bag na dala si Arnel.

"Anong laman ng bag mo?" tanong ko kay Arnel. Napakamot namin siya sa ulo at tumingin kay Hazel.

"Mga damit niya na pinagawa ko. May knight suit din d'yan, sa pagkakaalam ka marunong ka makipaglaban. Mas komportable makipaglaban sa damit na 'yon." sabi ni Hazel.

Naaawa na ako sa gumagawa ng damit sa palasyong 'to.

"Kung gano'n ay aalis na ako. Baka mamaya pa ako dumating dahil pupunta ako sa palasyo ng Shisakilzen." sabi ko at tinanguan lang nila ako.

"Mag-iingat kayo."sabi nila at kumakaway lang sa'min.

"Bakit nakaupo pa kayo d'yan? Bitbitin niyo yung gamit ni Nacy. Dahil sa inyo ang dami naming bitbit." sabi ko at bumusangot naman agad si Hazel at Akira.

Binuhat na nilang tatlo ang gamit ni Nacy at naglakad na kami palabas.

Sinuggest ni Akira na sa bintana kami dumaan pero hindi agad ako pumayag. Bitbit ko kaya si Nacy tapos papatalunin mo ko.

Nakarating na kami sa labas at nagtransform na si Morpheus. Unang umakyat si Arnel at inabot ko sa kaniya si Nacy para makaakyat ako.

Inabot naman nila Hazel yung gamit ni Nacy. Pagtapos ay nagpaalam na agad kami at lumipad palayo si Morpheus sa palasyo.

Kailangan mabalik na agad sa normal ang apat na kaharian.

Nang makarating kami sa bayan ay agad akong nagpaalam sa kanila. Pero nilagay ko muna yung gamit ni Nacy sa bahay ni Arnel bago nagpaalam sa kanila.

Lumipad na si Morpheus sa Shisakilzen at mukhang malapit na matapos ang palasyo. Inuumpisahan na din nila ayusin yung bahay ng mga tao sa kaharian.

"Sa tingin mo ba Morpheus may itutulong ako sa pag-aayos ng palasyo?" tanong ko kay Morpheus.

"Hindi, iilan lamang ang may mahika na nakakaayos ng lahat. 'Yon ang mahika ng hari ng Shisakilzen kaya hayaan mo na sila mag-ayos." sabi ni Morpheus.

"Wala talaga tayong magagawa?" tanong ko ulit.

"Wala nga, kung mayroon pinagtrabaho na din kita d'yan." sabi ni Morpheus.

"Ano ngayon gagawin ko? Gusto ko pa naman sana tumulong." sabi ko at tumingin lang sa baba habang papunta kami sa Miaguazu.

"Mag-eensayo tayo ngayon para hindi masayang ang araw. Hanggang ngayon hindi niyo pa rin nakokontrol ang kapangyarihan ng kwintas." sabi ni Morpheus.

Bigla naman siyang bumaba sa mga gubat kaya nagtaka ako. Pinababa niya ako kaya bumaba ako. Nagtransform ulit siya sa tao.

"Bakit nandito tayo?" tanong ko sa kaniya.

The Other WorldWhere stories live. Discover now