85

29 8 0
                                    

Naidilat ni Morpheus ang mata niya dahil sa liwanag na tumatama sa mukha niya.

"Argh." pagdaing niya at dahan dahan siyang bumangon at tumingin sa paligid. Nakahiga siya sa damuhan at sa di kalayuan ay may mga bulaklak siyang nakikita.

'Asaan ako?' inalala ni Morpheus ang nangyari at nang maalala niya ay agad siyang tumayo.

'Asaan ako? Kailangan ko mahanap ang mga Binibini, ang Demdrang kalaban nila ay masyadong delikado-'

"Morpheus!" agad napahinto si Morpheus nang marinig niya ang boses na 'yon.

"Morpheus!" nanlaki ang mata niya at unti-unting tumingin sa isang babae na naka royal gown na tumatakbo palapit sa kaniya. May hawak itong mga bulaklak.

Nang makalapit ang babae ay ngumiti siya kay Morpheus na sobrang tamis.

"Tignan mo ang mga bulaklak na ito, napakaganda sa paningin." nakangiti niyang sabi at tumingin sa bulaklak na hawak niya.

"Sa mundo namin ay lavender ang tawag dito. Napakagandang pangalan hindi ba?" nakangiti niyang tanong.

"Reyna Amir?" takang tumingin ang babae kay Morpheus.

"Bakit?" takang tanong nito.

"Reyna...Amir? Ikaw ba talaga si Reyna Amir?" nagugulahan ang babae sa tanong ni Morpheus.

"Oo, bakit? May problema ba, Morpheus?"

Hahawakan dapat ni Morpheus ang kamay nito pero bigla siyang huminto.

"Maaari ko bang hawakan ang iyong kamay?" inabot ng babae ang kanan kamay niya kay Morpheus. Hinawakan iyon ni Morpheus at naramdaman niya ang init at lambot ng palad nito.

Pinakiramdam iyon ni Morpheus at biglang may luha ang pumatak mula sa mata niya. Nagulat si Amir nang makita ang luha ni Morpheus.

"Morpheus?! Bakit? M-may nangyari ba? May nakita ka ba na hindi maganda sa panaginip mo?" nag-aalalang tanong nito.

Si Morpheus ay hindi gaano natutulog dahil sa magic niya. Ang magic niya ay kayang ipakita ang hinaharap tuwing natutulog ito.

"Reyna Amir." pagtawag niya habang umiiyak siya.

"Bakit?"

Umayos siya ng tayo at ngumiti sa babaeng nasa harap niya.

"Nagagalak akong makita ka muli." nakangiti nitong sabi. Tumitig saglit ang babae at bahagyang natawa.

"Pft, ano bang nangyayari sa'yo? Kanina pa tayo magkasama at hindi pa tayo nagsisimula mag-ensayo dahil tinatamad ka. Ngayon ay sinasabi mo na nagagalak kang makita ako ulit?" natatawa nitong sambit.

"Padating na ang iyong kapatid at wala na naman tayong natapos dahil nagpahinga ka."

Mula sa malayo ay nakita ni Morpheus ang Mahal na Hari kasama ang mga kapatid niya. Nagtaka naman si Amir dahil nakatingin si Morpheus sa malayo kaya lumingon siya mula sa balikat niya. Nakita niya ang asawa niya na naglalakad palapit dito kaya agad niyang tinawag ito.

"Azure!" sigaw ni Amir at kumaway sa asawa niya. Huminto ito at kumaway pabalik sa asawa niya. Tumakbo ang babae sa asawa niya at pinagmasdan lamang niya ito lumayo.

Nang makarating ito sa pwesto ng asawa ay binati nito ang mga kapatid ni Morpheus. Nag-usap sila saglit at lumapit na ang mga kapatid nito sa kaniya na nakatingin lang sa kanila mula sa malayo.

"Nickolas." pagtawag ni Azrael sa kapatid sa tunay na pangalan nito.  Napabaling ang tingin niya sa nakatatandang kapatid niya.

"Kailangan na natin umalis." tumango siya at pinagmasdan muli ang babae na nakangiting kausap ang asawa nito.

The Other WorldWhere stories live. Discover now