15

50 1 0
                                    

Pagdating namin sa kwarto ay agad na humiga si Akira at natulog ulit. Kinumutan ko naman siya bago ako humiga ulit.

"Binibining Rin."napaupo ako ng tawagin ako ni Chiko.

"Mas maganda kung tayo ay aalis na maaga para maaga din ang balik natin." saad niya. May point naman si Chiko. Gusto ko lang talaga mamayang hapon kasi tinatamad pa ako.

"Wala ka bang importanteng gagawin sa mga gantong oras?"pagtatanong ko naman at umiling siya.

"Ang utos sakin ng Mahal na Reyna ay pagsilbihan kita ngayong araw." saad naman. Pagsilbihan talaga diba pwedeng samahan?

Napabuga ako ng hangin at tumayo inayusan ko ang sarili ko bago ko ulit tignan si Chiko.

"Sige na, umalis na tayo."saad ko at lumabas na kami ng kwarto.

Sinundan ko lang si Chiko papalabas ng palasyo. Malapit na kami sa labas ng palasyo. Mula sa malayo ay may nakita akong mga naninilbihan na nagkukumpulan. Mga 5 ata sila. Andoon din si Aylene.

"Aylene!" sigaw ko at kumaway kaway. Tumingin naman sila sakin. Wait, bakit ko pala tinawag si Aylene.

"Binibining Rin?"takang tanong sakin ni Chiko.

"Hehehe,Pasensya na." sabi ko at napakamot sa ulo ko.

"Chiko?" may narinig akong tumawag mula sa likod namin. Lumingin ako at nakita ko si Ron na naka Knight suit. Bakit naka knight suit siya?Ang init init kaya.

Yumuko si Chiko at ginaya ko siya yumuko din ako kay Ron.

"Hindi mo na kailangan yumuko sakin, Binibining Rin." saad ni Ron kaya nagtaka naman ako. Diba nagbibigay ka ng galang kapag nayuko?

"Ano pala ang ginagawa niyo dito, Chiko?" tanong ni Ron kay Chiko. Inangat na ni Chiko ang ulo niya at sinagot si Ron.

"Kami ay aalis na ni Binibining Rin papunta Ihyopa." sagot ni Chiko. Nagtaka naman si Ron sa sinabi ni Chiko.

"Hindi ba't mamayang hapon pa kayo aalis?" tanong ulit ni Ron.

"Mas maganda na maaga kami makaalis ni Binibing Rin upang maaga kami makabalik." sagot ulit ni Chiko. Napatango tango naman si Ron at tinignan ako pero agad din niyang iniwas tingin niya sakin.

"Kung ganon...maaari kayong sumabay samin."mahinang sabi niya at hindi namin narinig ni Chiko. Parehas kaming nagtaka ni Chiko dahil hindi namin narinig. Nagkatinginan kami ni Chiko at ang tingin naming parehas ay para bang sinasabi na 'Ano daw?'

"Maaari mo bang ulitin, Prinsipe Ron?" saad ni Chiko.

"Ehem. Ang aking sinabi ay maaari kayong sumabay samin dahil paalis na rin kami." ulit niya sa sinabi niya. Akala ko ba ayaw mo ako kasabay. Halos nakipag-away ka pa sa ama mo kasi ayaw mo ko isabay. Tinignan naman ako ni Chiko. Ang tingin niya ay parang nagtatanong sakin kung gusto ko ba.

"Hindi ba marami kang kasamang naninilbihan sa iyo, Prinsipe Ron?"pagtatanong ko naman.

"Uhm... Hindi naman masama na magdagdag ng dalawa. Ah! Hindi ko ibig sabihin na maninilbihan kayo ni Chiko...ano lang...uhm..." parang natataranta niyang sabi.

"Ngunit sabi mo kahapon ay limitado lang ang kaya ng mahika mo, Prinsipe Ron."saad ko ulit.

"Tungkol diyan...Ano...uhm..." nagiisip siya ng kasunod niyang sasabihin. Napabuga naman ako ng hangin. Well, hindi naman masama kung sasabay kami ni Chiko. At gusto ko rin makita ni Chiko yung mga tanawin sa itaas. Since nastress namin siya ni Akira. At ang weird naman kung parehas kaming pupunta ng Ihyopa tapos hindi kami sabay dumating. May pa welcome pa naman din ang bawat kaharian.

The Other Worldजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें