103

35 4 0
                                    

Sinubukan umalis nila Rin sa lugar na iyon ngunit masyadong malakas ang impact ng aura ng dalawang naglalaban sa paligid. May mga bato ang lumilipad sa paligid dahil sa paglalaban ng dalawa. Paminsan minsan din ay sumusulpot ang mga ito sa kung saan saan kaya't hindi makatakbo ang mga Binibini.

"Uarrkk!" rinig nilang pagsuka muli ni Akira sa gilid.

"Paumanhin Binibining Akira. Kailangan lang talaga natin makaalis doon kaya't hindi na ako nagdalawang isip na buhatin ka palayo. Paumanhin." paghingi ng tawad ni Jasper kay Akira. Nag thumbs up lang sa kaniya si Akira.

"U-uhm..." bigla naman ginamit ni Rei ang mahika niya. Ang mga blue na likido na nasa katawan ng dalawang Prinsipe ay biglang umangat sa ere at naglaho bigla.

Gulat ang lahat nang makita nila iyon ngunit naudlot lang din iyon dahil biglang lumipad ang katawan ni Morpheus sa pwesto nila.

Kaniya kaniya silang takbo palayo dahil doon.

"Urgh!" daing ni Morpheus at agad umiwas nang makita niya ang paa ni Natacio na lumipad sa pwesto niya.

Bahagya niya tinignan kung nasaan si Rin. Nang makita nito na kasama niya si Arnel ay agad siyang sumigaw.

"Ginoong Arnel! Pakidala si Binibining Rin sa palasyo! Naroon si Reyna Gladice! Paniguradong matutulungan kayo nito!" pagsigaw niya.

Hinawakan naman ni Arnel ang kamay ni Rin at tumakbo palayo. Narinig din nila Leo iyon kaya't tumakbo rin sila palayo.

"Hindi niyo na kailangan pumunta roon!" napahinto sila nang marinig iyon. Napatingala sila at nakita nila si Reyna Gladice sa itaas. Nasa ere ito ngunit may lupa sa ere na tinatapakan nito.

Alangan naman ngumiti si Natacio nang makita si Reyna Gladice. Kasing lakas man siya ni Morpheus at hindi man naubra ang mahika ni Morpheus sa kaniya ay hindi ibig sabihin non ay kaya na nito talunan ang apat na reyna.

Tinignan siya ni Reyna Gladice sa mata. Wala iyong emosyon. Bigla naman pinikit ni Reyna Gladice ang mata niya bago magsalita.

"Mukhang narito na rin ang iyong kasama." sabi nito at binuksan muli ang mata at iniangat ang tingin.

Sinundan nila ang tingin nito at muling bumalik ang masiglang ngiti ni Natacio nang makita nito ang mga kasamahan niya.

May apat na tao sa itaas. Tatlong lalaki at isang babae. Bigla naman naging seryoso muli ang mukha ni Morpheus nang makita nito ang mga iyon.

"Magandang araw, Reyna ng Shisakilzen." nakangiting bati ng isa at bahagya pa itong yumuko. Nakasuot ito ng kapareha ng knight suit na suot paminsan ng mga prinsipe. Ang pinagkaiba lang ay ito ay black and white.

"Huh?! Bakit ka bumabati sa kaniya?!" inis na tanong ng babae na naka fitted turtle shirt at blue jacket. Mayroong buckle strap sa ibabang dibdib nito. At naka black fitted shorts din ito at blue boots.

"Hindi mo kailangan bumati sa kanila." kalmadong sabi naman ng isa na naka loose longsleeve shirt and some pants na may hawak ng libro.

"Hindi ko alam kung bakit bumabati ka pa sa kaniya." takang saad naman ng isa na naka brown coat.

"May masama ba sa pagbati ko?" tanong nito at inirapan lang siya ng tatlo.

Binaling naman nila ang tingin nila kay Natacio.

"Oi! Natacio! Bakit bigla kang sumugod?! Dahil sayo ay bigla kaming pinadala ng Mahal na Reyna!" inis na saad ng babae.

"Huwag kang magsimula ng away, Rozeah!" inis na sigaw ni Natacio.

"Tsk."

Bigla naman binaling ng may hawak ng libro ang tingin nito kay Akira.

"Sila ba ang susunod na reyna?" pagtatanong nito at agad naman hinarangan ni Arthur ang paningin nito kay Akira.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon