42

46 4 0
                                    

THIRD PERSON P.O.V

Nakaahon na sila Morpheus sa dagat. Agad naman sila nilapitan ni Hazel na suot suot ngayon ang knight suit ni Kevin.

"Anong nangyari sa kanila?" nag-aalalang tanong ni Hazel.

"Nagpapahinga lamang sila. Bumalik na muna tayo sa bahay. Padating na si Kuya Azrael. Prinsipe Ron, ikaw na bahala sa mga tao dito." sabi ni Morpheus at naglakad na habang bitbit si Rin.

Naglakad na rin sila Hazel. Si Reina ay bitbit ni Aizen at si Akira naman ay bitbit ni Leizyl.

Pagkadating nila sa bahay ay ginamit ni Leizyl ang wind magic niya upang mabilis silang matuyo pagtapos ay inakyat nila ang tatlong natutulog na binibini sa mga kwarto nila.

Si Hazel naman ay hindi mapakali dahil hindi niya alam ang nangyari kila Akira pagkaalis nila.

"Binibining Hazel, maaari ko ba malaman ang nangyari?" tanong ni Morpheus at napatigil saglit si Hazel at tinignan si Morpheus bago tumango.

Kinwento ni Hazel ang lahat kay Morpheus. Mula ng umalis sila ng bahay hanggang sa pagtakas nila doon.

"Hindi ko aakalain na malalaman mo ang plano namin. Tama ka, pinlano nga namin na palanguyin kayo sa dagat pero para hulihin ang syokoy hindi alamin kung sino ang may gawa. Dahil nagpahuli kayo sa mga syokoy ay nasira ang plano namin. Pinaalam namin sa apat na reyna ang nangyari sa inyo at pinadala ang apat na prinsipe. Inantay pa namin sila dumating bago kami lumusong pero bigla naman kayo umahon." sabi ni Morpheus.

"Ngunit magaling ang ginawa niyo, Binibining Hazel. Nagawa niyong gumawa ng plano upang makatakas na walang nasasaktan na tao. At kung hindi pa kayo tumakas ay paniguradong malalagay sa panganib ang buhay ni Binibining Rei at Rin." dugtong ni Morpheus.

"Magiging maayos lang ba ang lagay nila?" nag-aalalang tanong ni Hazel at tumango naman si Morpheus.

"Magpahinga ka na rin, Binibining Hazel." sabi ni Morpheus kay Hazel. Tumango si Hazel at umakyat sa kwarto niya para magbihis at para na rin makapagpahinga siya.

Naramdaman naman ni Morpheus ang pagdating ng kuya niya.

Biglang dumating si Azrael sa dagat at agad na sumisid. Papunta siya ngayon kung nasaan ang mga Syokoy. Nang makarating siya ay nakita niya ang mga Syokoy na paalis at gustong tumakas.

Lumangoy naman si Azrael at hinarangan ang daanan nila. Agad na huminto ang mga Syokoy sa paglalakad.

"Saan kayo pupunta?" pagtatanong ni Azrael.

Lumuhod naman lahat ng Syokoy sa harap niya para magmakaawa.

"Pakiusap, hindi na namin uulitin. Huwag mo lang kami patayin."pagmamakaawa ng pinuno ngunit tinignan lang sila ng masama ni Azrael.

"Mayroon tayong kasunduan ngunit hindi kayo tumupad." sabi ni Azrael.

"Pakiusap Ginoong Azrael huwag-AAAAaaahhhh." unti-unti nawalan ng buhay ang pinuno at sumunod naman ang mga Syokoy na kasama niya.

Sa isang iglap ay namatay ang lahat ng Syokoy. Nakasalampak ngayon sa sahig ang mga bangkay nila.

Tinanggal naman ni Azrael ang maskara niya at pinunasan ang dugong tumulo mula sa bibig niya.

Umalis na rin siya agad doon at pag-ahon niya ay agad niya nakita ang bunsong kapatid nito. Nag-aantay ito sa kaniya at may dalang towel para sa kaniya.

Lumapit siya sa kapatid at kinuha ang towel na hawak niya.

"Kuya, magpahinga ka muna. Kamakailan lang ay ginamit mo ang mahika mo para mapunta ang apat na binibini sa mundong 'to. Kailangan mo rin magpahinga upang bumalik ang lakas mo." nag-aalalang sabi ni Morpheus.

The Other WorldWhere stories live. Discover now