8

69 3 0
                                    

Sinusundan namin ni Akira si Reyna Gladice. At tuwing may nadadaanan kaming mga katulong at guwardiya ay agad silang yumuyuko. Pero malayo layo na ang nalalakad namin at patagal nang patagal kumukonti na ang nakakasalubong namin na katulong at guwardiya. Gaano ba kalayo ang lalakarin namin? Gaano din ba kalawak 'tong lugar na 'to?

Wala na kaming nakakasalubong na guradiya at katulong.

"Reyna Gladice, malayo pa po ba?" tanong ni Akira sa Reyna. Biglang huminto ang Reyna kaya tinignan namin ang nasa harap namin. Isang malaking pinto at mukha hindi laging nabubuksan 'to.

"Malaking pinto na naman. Ang hirap hirap kaya buksan nung isang library." reklamo ni Akira.

Itinaas ng reyna ang kamay niya at tinapat iyon sa pinto. Biglang may berdeng usok ang pumalibot sa pinto at bumukas ito.

"Magingat kayo sa tatapakan niyo medyo madilim ang dadaanan natin." paalala ni Reyna Gladice. Nakalahad ang kamay niya at mula doon ay may liwanag na lumalabas doon. Parehas kami namangha ni Akira. "Huwag kayong hihiwalay sakin." sabi samin ng reyna at tumango kami ni Akira. Nagsimula na siya maglakad at nakasunod lang kami ni Akira. Hindi lang madilim dito, ang sikip din ng daanan. Hindi rin kami makadikit sa Reyna dahil sa gown niya natatakot kami matapakan ni Akira. At hindi rin deretso ang daan na tinatahak namin paikot ito. Bakit ba nila nilagay dito yung mga diary?

Huminto si Reyna Gladice kaya huminto din kami ni Akira. Binuksan niya ang pinto at pumasok don, pumasok din kami ni Akira. Hindi namin makita masyado ang nasa loob pero may mga libro kaming nahahagilap. Napansin ng Reyna na hindi namin masyadong makita ang nasa loob ng kwarto kaya itinaas niya ang kamay niya at lumutang ang liwanag sa taas at lumiwanag ito ng husto na para bang ilaw lang. Dahil don nakita na namin ang kabuuan ng kwarto. May dalawang bookshelf lang dito pero napakataas nito at ang daming libro.

"Lahat po ito diary ng mga nakaraang Reyna?" tanong ko kay Reyna Gladice habang nililbot ko ang paningin ko.

"Lahat ng nandito ay diary nila. Hindi ko man nabasa ang lahat ng libro dito pero nabasa ko naman ang iilang libro." saad ng Reyna. "Kumuha lang kayo ng librong babasahin niyo, hindi kayo pwede pumunta dito  araw-araw. Kaya kumuha lang kayo ng libro at kung kailangan niyo pa ng libro ay lumapit lang kayo sakin at sasamahan ko kayo ulit." saad ulit ng Reyna. Sinunod namin ang sinabi ng Reyna at kinuha ang librong kaya namin abutin at buhatin.

"Tapos na po kami kumuha ni Akira, Reyna Gladice." saad ko at tinanguan lang ako ng Reyna.

"Kung gano'n ay babalik na tayo." saad niya at itinaas ulit ang kamay niya. Lumapit ang ilaw sa kamay ng Reyna, nagsimula na ulit kaming maglakad pababa. Kung ang hirap umakyat mas maharap bumaba. Una, dahil sa gown ng Reyna. Pangalawa,parang lalong sumikip yung daan pababa. At ang huli, may bitbit kami ni Akira.

"Kung sakaling hindi makatulong sa inyo 'yang diary. Pwede kayong pumunta sa iba pang kaharian. Lahat ng Reyna noon ay nagsulat ng diary kaya panigurado ay meron din sila." saad ng Reyna.

Lahat ng Reyna noon nagsulat ng diary? Hmm, ano kaya mga sinulat nila? Tinignan ko ang hawak kong libro at dahil doon ay natapakan ko ang gown ni Reyna Gladice at tumumba siya samin. Natapon namin ni Akira ang librong bitbit namin at natumba din kami. Tumama ang likod ko sa isa sa mga hagdan.

Ouch! Ang sakit ng likod ko.

Hinawakan ko ang likod ko at dahan dahan tumayo. Dahan dahan din tumayo si Reyna Gladice at Akira.

"Ang sakit ng likod ko. Rin, ayos ka lang?" tanong sakin ni Akira ng makatayo ito ng tuluyan. Umiling ako sa tanong niya.

"Tumama yung likod ko sa hagdan." sabi ko habang nadaing.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon