115

31 6 0
                                    

Sa balde na may tubig ay makikita mo ang dalawang patak ng dugo. Hindi naghalo ang dalawang dugo at nanatili lamang ito sa pwesto nang ipatak nila ang dugo.

"H-hindi...imposibleng...." napalingon kaming lahat kay Binibining Liria na nanlalaki ang mata sa gulat. May mga luha rin ang namumuo sa mata nito.

Dumako ang mga mata ni Binibining Liria kay Leizyl na inis na nakatingin sa kaniya ngayon.

"M-maniwala ka sakin Mahal na Prinsipe! Ikaw ang ama ng anak ko! Paniniwalaan niyo lang ba kaagad ang inimbento ni Binibining Hazel?! Maaaring sinabotahe niya ito! Walang matibay na ibedensya na perpekto ang inimbento ng Binibini!" sigaw nito at sinubukan tumayo ngunit pinigilan siya ng mga healer.

"Gusto mo ng ibedensya? Maaari kong ipakita sa'yo ngayon." sabi ni Hazel at kinuha ang balde na may tubig. Naglakad siya papuntang banyo habang bitbit ang balde at may narinig kaming natapon sa loob ng banyo. Nagtataka man kami ay hindi na kami nagbalak pa sundan si Hazel.

Maya maya ay bumalik ulit si Hazel at bitbit pa rin niya ang balde. Mukhang pinalitan niya ang tubig dahil wala na roon ang dugong pinatak kanina nila Leizyl. May nilabas ulit itong maliit na bote na may laman na asul na likido. Muli niyang binuhos ito sa balde at nang ma dissolve ay nagsalita siya.

"Mahal na Hari at Prinsipe Leizyl maaari niyo bang ipatak ang inyong dugo rito?" tanong ni Hazel at nagulat kami nang sabihin niya iyon.

Tumingin si Hazel sa Binibining Liria at nagsalita.

"Hindi ko basta basta ipapagamit o ipapakita ito kung hindi ko na perpekto ito. Hindi ako gano'n kat*nga para gawin iyon. Sinigurado kong tama at perpekto ang gawa ko." sabi ni Hazel habang nakatingin kay Binibining Liria.

Lumapit naman si Leizyl at ang Mahal na Hari sa balde. Muling pinatak ni Leizyl ang dugo nito sa balde at hiniwa naman ng Mahal na Hari ang daliri niya at pinatak ang dugo sa balde.

Lahat kami ay nakatingin sa balde habang inaantay ang resulta. Bahagyang lumiwanag ang dalawang dugo at bigla itong nagsama at naghalo. Nang maghalo ang dalawang dugo ay nawala na ang liwanag sa dugo.

Namangha ako sa nakita ko. Hindi ko akalain na ganoon pala iyon.

Muli namin nilipat ang tingin namin kay Binibining Liria. Ang namumuong luha nito sa mata ay tumulo at biglang humagulgol ang Binibini.

"Naniniwala ka na ba sa resulta, Binibining Liria?" tanong ni Hazel sa babaeng humahagulgol.

"Gusto mo ba subukan ang dugo mo at ang dugo ng sanggol na sinilang mo? Maaari ko 'yon gawin. Kung gusto mong paulit ulit kong gawin ang bagay na 'to ay gagawin ko hanggang matanggap mo ang resulta." sabi ni Hazel ngunit hindi sumagot si Binibining Liria at umiyak lamang.

"Umiiyak ka ba ngayon dahil hindi natuloy ang plano mo kay Prinsipe Leizyl? Siguro naman alam mong kasalanan linlangin ang kapwa mo, 'di ba? At isa pa, hindi ordinaryong tao ang nilinlang mo, ang buong palasyo ang nilinlang mo lalo na ang Mahal na Prinsipe." dagdag pa ni Hazel.

Patuloy umiiyak si Binibining Liria at napansin ko ang paghihingalo nito. Muling magsasalita si Hazel nang pigilan ko ito.

"Hayaan niyo muna magpahinga si Binibining Liria. Kakapanganak lamang niya, hindi maganda sa kalusugan niya kung patuloy madadagdagan ang tensyon sa katawan niya." sabi ko kaya't itinikom ni Hazel ang bibig niya.

Bigla naman tumayo si Akira kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Walang ekspresyon ang mukha niya.

"Lumabas na tayong lahat at hayaan niyo ang mga healer at katulong ang mag-alaga sa kanila. Maglagay din kayo ng guwardiya sa kwartong 'to para bantayan sila. Walang lalapit na kahit sino habang nagpapagaling siya." anunsyo ni Akira na ikinagulat ko. Mukhang ako lang ang nagulat sa sinabi ni Akira dahil hindi nagiba ang ekspresyon ng mukha nila at tahimik lamang nakatingin kay Akira na para bang inaantay ng mga ito ang sunod niya sasabihin.

The Other WorldWhere stories live. Discover now