46

43 4 0
                                    

Halos 10 minuto pa lang ang nakakalipas ng umalis sila Akira. Hindi ko alam kung hanggang ilang minuto pa ang itatagal namin ni Hazel. 

May nga Fire ball ulit ang lumipad sa dereksyon ng dalawang demdra. Parehas kami ni Hazel na sugatan at pagod na.

Mabagal na rin ang paggaling ng mga sugat ko. 

Nang mawala ang apoy ay parang walang nangyari sa mga demdra. Ginamit nila ulit yung magic nila pero ginamit ko ang Ground magic ko. Sinubukan naman umalis ng isang demdra pero piniglan agad siya ng mga halaman ko.

Bigla naman lumitaw ang isang demdra at pinagsisipa ako.

"Ano ba?! Bakit ba hindi ka pa mawala?!"sigaw nito sa'kin. May naalala ako dahil sa mga sinabi niya.

Sinipa naman siya palayo ni Hazel pero sinipa naman si Hazel ng isa pang demdra.

Sinigurado ko naman na sinasalo ng mga halaman si Hazel.

Bali na yung kaliwang braso ko at andami ng dugo ang nawala sa'kin. Mas lalo naman maraming nawalang dugo at bali sa katawan ni Hazel dahil hindi ko siya mapagaling.

Argh! Hindi pa rin ba nasisira nila Akira yung barrier? Nasa limit na ako. Koonting magic na lang ang kaya kong gamitin at mukhang gano'n din si Hazel.

Wala kaming planong talunin ang dalawang demdra dahil masyado silang malakas kaysa samin. Ang kailangan lang namin gawin ay makaligtas sa kanila.

Dahil onti na lang din naman ang magic ko.

Ginamit ko ang ground magic ko at gumawa ako ng isang daang malalaking soldier. Nagulat naman ang mga demdra dahil doon. Ginamit ko ang chance na 'yon para tumakbo palapit kay Hazel. Hinila ko agad siya at tumakbo palayo.

Iyon na ang huling magic ko. Narating ko na yung limit ko at kung gagamitin ko pa ng husto ang magic ko ay maaaring mapahamak ang katawan ko.

Pero halos sampung segundo lang ay nawala na yung isang daang soldier ko.

Agad na nakalapit sa'min ang mga demdra. Agad naman nila kami pinadapa ni Hazel sa lupa. Dinaganan nila kami ni Hazel para hindi na kami makagalaw. Wala na rin naman akong lakas para gawin 'yon.

"Huwag na kayo manlaban, mabilis lang 'to."sabi ng demdrang tahimik.

Pinatulis niya ang kuko niya at akmang ibabaon na 'yon sa leeg ko ng makarinig kami ng pagbasag sa itaas.

Napangiti naman ako, ang tagal mo naman mabasag, Akira.

May bigla naman arnis ang lumipad sa pwesto ng demdra at sa isang iglap lang ay biglang dumating si Reyna Gladice.

Hinampas niya ng isang arnis ang demdra palayo sa'kin. Tumalsik ang demdra sa isa pang demdra na nakadagan kay Hazel. Bigla naman nasunog ang dalawang demdra pero yung apoy...kulay puti.

"Paano kayo nakarating dito?!" gulat na tanong ng demdrang palatawa.

"Naramdaman namin ang presensya niyo mula sa palasyo." rinig kong sabi ni Reyna Ann. Andito ang apat na reyna?!

"RIN! HAZEL!"rinig kong sigaw ni Akira. Tumingala naman ako at bumaba na sila Akira at agad na tumakbo palapit sa'min ni Hazel. Bigla naman kami niyakap nila Akira.

"Ow! Mas sugat ako at bali ng buto, Akira!" sermon ko kay Akira dahil mahigpit ang pagkakayakap niya.

Tinignan naman namin ang demdra na nagpapanic patayin yung apoy pero hindi nawawala yung puting apoy.

"Huwag na kayo mag-abala, hindi niyo mapapatay ang white flames." sabi ni Reyna Vanice.

Pinanood namin ang mga demdra na unti-unti na nagiging abo. Pero bago tuluyan naging abo ang mga demdra ay nagsalita si demdrang palatawa.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon