98

38 4 0
                                    

"Haz-I mean Ivy..." pagtawag ni Akira sa atensyon nito habang naglalakad kami.

"Hmm?"

"Sigurado ka bang may tinatago ang mga hari at reyna sa atin?" pagtatanong nito habang iniikot ang paningin sa paligid.

Maraming tao sa paligid at karamihan sa kanila ay masaya at nakangiting nakikipagusap. Ibang iba ang lugar sa mga bayan na napuntahan namin noon.

"Kaya nga nandito tayo para malaman 'yon." pagsagot naman ni Hazel sa tanong ni Akira.

"Rin-"

"Avery." pagtama ni Hazel kay Akira nang tawagin nito ang pangalan ko. Napagdesisyunan namin kanina na gagamit kami ng alyas dahil sa pagsigaw ni Akira sa pangalan namin habang papunta kami rito. Baka mahuli agad kami dahil sa pagsigaw niya.

Ang alyas ko ay Avery, kay Hazel ay Ivy, Kay Akira ay Harper at kay Rei naman ay Chloe.

"Bakit?" pagtatanong ko kay Akira.

"Nagugutom na ako." bigla itong nag puppy eyes kaya tinignan ko siya na may pandidiri.

"Hoy, grabe ka sakin!" mukhang nainis siya sa reaksyon ko.

"Pwede mo lang naman sabihin sa akin. Hindi mo kailangan mag pacute."

"Hmp." kunwaring pagmamaktol niya.

"Humanap muna tayo ng matutuluyan bago tayo kumain. Sa labas na lang din tayo kumain." biglang saad ni Hazel.

Maya maya lang din ay huminto kami sa isang building. Mukhang mangungupahan kami, ah. Kasya ba kaming anim sa isang kwarto?

Pagpasok namin sa loob ng building ay may isang babae ang bumati sa amin. Sinenyasan naman kami ni Hazel na magantay sa gilid at sumunod naman kami. Siya ang nakipagusap sa babae at maya maya lang din ay natapos siya at lumapit sa pwesto namin.

"Tara na." saad niya at dali dali kaming sumunod sa kaniya. Umakyat kami sa hagdan. Halos limang hagdan din ang inakyat namin bago kami huminto sa isang pinto.

"Magkakasama tayo sa iisang kwarto?" tanong ko kay Hazel habang binubuksan niya ang pinto?

"Oo, well...tignan mo na lang ang loob." alangan na saad niya.

Hmm? Bakit? May nangyari ba habang nakikipagusap siya sa babae?

Huminga muna ng malalim si Hazel bago buksan ang pinto. At isa isa kaming pumasok.

Nakakailang hakbang pa lang kami sa loob ng kwarto ng mapahinto kami at mapatanga sa loob ng kwarto. Dali dali naman akong lumabas at tinignan ang hallway at ang pinto lang namin ang naroon. Wala ng iba. Nang makumpirma ko yon ay bumalik ulit ako sa loob at tinignan si Hazel ng hindi makapaniwala.

Inilalapag nito ang mga gamit sa gilid ng sofa. Ang kwarto namin ay sobrang lawak at sakop nito ang isang buong hallway. In short, kami lang ang nandito sa floor na 'to.

May isang glass table sa gilid na naka tapat fireplace. Napapalibutan naman ng sofa at couch ang glass table na 'yon. Malawak din ang pwesto ng dining area namin.

May mahabang lamesa roon at may halos sampung upuan ang nakapalibot doon.

"Haz-Ivy, anong nangyari?" pagtatanong ko sa kaniya.

"Uhm, akala ko kasi mahal ang renta nila rito kaya binigay ko yung isang gold na nahablot ko sa palasyo tapos...eto nangyari. Nag offer din sila ng mga service na tinanggihan ko since baka umalis din tayo agad dito." paliwanag ni Hazel.

"Woah! May tatlong kwarto rito! Dito kami ni Rei!" rinig kong sigaw ni Akira.

Hindi ko man lang napansin na umalis siya sa tabi ko. Bigla naman sumunod si Hazel kila Akira.

The Other WorldWhere stories live. Discover now