59

32 3 0
                                    

Habang inaantay namin matapos si Ginoong Vallez ay pinanood namin si Jasper makipaglaban sa isa sa mga Royalty. Halos magdikit na rin ang mga kilay namin tatlo dahil sa nangyayari.

Hindi magawa makalampas ni Jasper sa Royalty at halos 20 mins na silang naglalaban. Sa pagkakaalam ko ay Forest magic ang mayroon si Jasper at ang kalaban niya rin ay gano'n din ang magic. Pero mukhang mas bihasa ang Royalty na kalaban niya pagdating sa Forest magic.

Patuloy niya sinasangga ang mga halaman at ugat ng puno ng Royalty gamit ang espada niya ngunit napaka aggresibo ng mga ito kaya hindi magawa ni Jasper na umatake pabalik.

Tinamaan naman bigla si Jasper ng ugat na punong sinasakyan ng Royalty ngayon. Tumalsik siya sa napakalayo at mukhang sugatan si Jasper dahil doon.

[Mahal na Prinsipe...tumayo ka dahil hindi pa tapos ang iyong pagsusulit.]

Naglakad ang punong sinasakyan ng Royalty. Sinubukan naman ni Jasper tumayo ngunit napilayan ata siya dahil bumagsak lang ulit siya.

Huminto ang Royalty sa harap ni Jasper.

[Mahal na Prinsipe...alam mo ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nasa berdeng ranggo ka pa rin?]

Hindi sumagot si Jasper sa tanong ng Royalty. Parang mas lalong kumukulo dugo ko, ah.

Nanahimik saglit ang Royalty habang nakatingin kay Jasper na hirap makatayo ngayon.

[Ipagpaumanhin mo Mahal na Prinsipe ngunit hindi ka nakapasa sa aking pagsusulit. Maaari ka nang lumabas at mag-antay ng anunsyo tungkol sa iyong pangkatang pagsusulit.]

[Kaya ko pang-]

Sinubukan tumayo ni Jasper pero bumagsak lang ulit ang katawan niya.

[Mahal na Prinsipe, ayokong magalit sa'kin ang Mahal na Prinsesa kaya kung maaari ay tumigil ka na. Alam natin dalawa-hindi alam nating lahat kung bakit hindi ka makaangat sa ranggo mo. Magpagaling at magpahinga ka na, Mahal na Prinsipe. Paalam.]

Pagtapos sabihin ng Royalty 'yon ay umalis na ito.

Pwede nila ideklara 'yon? Akala ko kailangan munang ubusin ang oras bago nila sabihin na hindi ka pasado.

Bigla naman nag black-out ang screen ni Akira na ikinagulat namin.

"Anakng- Anong nangyari?!" sigaw ni Akira at pinindot pindot ang screen.

Bigla naman nagsilabasan ang mga kasama ni Ginoong Vallez at biglang sumunod si Akira sa kanila.

"Akira!" pagtawag ni Hazel pero hindi na bumalik si Akira.

"Kanilang pupuntahan ang Mahal na Prinsipe." sabi ni Ginoong Vallez habang pinapagaling si Reina.

Kung hindi nakapasa si Jasper, si Reina rin ay...

Napakagat ako sa labi  ko at lumapit kay Ginoong Vallez. Mukhang kanina pa siya nagpapagaling ng mga estudyanteng sugatan. At marami na rin estudyante ang dinadala dito at sa ibang kwarto. Sadyang inuuna lang niya kami dahil sa posisyon namin.

Gulat siyang napatingin sakin. Tinapat ko ang kamay ko sa mukha ni Reina at may berdeng liwanag ang biglang lumabas doon.

"B-binibining Rin, ako na ang bahala-" pinutol ko ang sasabihin ni Ginoong Vallez.

"Hayaan mong tulungan kita, marami rin na estudyante ang nasugatan at kasama na si Jasper doon. At mukhang pagod ka na dahil kanina ka pa narito." sabi ko na hindi siya tinitignan at naka focus lang sa pagpapagaling kay Reina.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon