89 (PART 1)

50 1 0
                                    

THIRD PERSON P.O.V

Ang pagiging isang prinsipe ng isang kaharian ay hindi madali. Sila ay naiiba sa lahat. Bukod sa paghahanda manahin ang trono ay may kailangan pa silang paghandaan. Iyon ay ang pagdating ng susunod na reyna. Dahil sa naging tradisyon na ng kaharian na papakasalan ng prinsipe ang susunod na reyna ay pinagbabawalan ang mga ito magmahal, magkagusto, at makipagtalik sa ibang babae.

Mula pagkabata ay nakatatak na iyon sa mga prinsipe. Ngunit may isang prinsipe ang hindi sumunod sa tradisyon na ito.

"Mahal na Prinsipe." pagtawag ni Chiko sa atensyon ng lalaki na nagbabasa ng libro. Tinignan ng isang 14 yrs. old na lalaki si Chiko.

"Kayo ay pinapatawag ng Mahal na Reyna." saad nito. Isinarado ng prinsipe ang librong binabasa niya at tinabi ito. Tumayo siya mula sa upuan niya at sinundan si Chiko papunta sa kaniyang Ina.

Nang makarating sila ay sabay silang yumuko dalawa sa Reyna.

"Magandang araw, Ina. Pinapatawag niyo raw ako." magalang na sabi ni Ron.

Tumingin siya sa Ina at may kung anong emosyon itong pinapakita sa mata niya. Pag-aalala? Awa? Hindi niya matukoy kung ano ang emosyon na 'yon.

Bumukas ang bibig ng Mahal na Reyna ngunit hindi ito nagsalita. Nagdadalawang isip ito sa kung ano ang sasabihin sa anak.  Halos 3 taon na nagkakaganito ang anak niya. Naging malamig ang titig nito pati ang boses niya.

"May mga bagong maninilbihan sa palasyo at iniyayahan ka ng Prinsipe ng Miaguazu sa isang pagsasalo kasama ang Mahal na Reyna." ito na lamang ang sinabi niya. Hindi niya magawang masabi ang gusto niyang sabihin sa anak.

"Aking itatatak sa aking isipan ang inyong sinabi at pagi-isipan ko muna ang imbitasyon ni Prinsipe Aizen." magalang na sabi nito.

"Iyon lang ba ang gusto niyong sabihin, Ina?" nakipagtitigan ang prinsipe sa Ina. Dahan dahan naman pinikit ni Reyna Gladice ang mata niya at tumango.

"Paniguradong marami kang ginagawa, maaari ka ng bumalik." muling yumuko ang prinsipe at pagkatapos ay umalis na.

Napabuntong hininga ang Mahal na Reyna. Hindi niya magawang sabihin sa anak na hindi na niya kailangan pang sundin ang tradisyon nila. Hindi niya magawang sabihin na wala siyang ginawang masama.

"Mahal na Reyna."

"Chiko, bakit hindi ko masabi ang bagay na 'yon? Napakadali na lang ng gagawin ko ngunit hindi ko pa magawa."

Lumapit si Chiko sa Mahal na Reyna at hinagod hagod lamang nito ang likod niya. Nararamdaman nito ang lungkot ng Mahal na Reyna dahil siya ang soul familiar nito.

Kinabukasan ay naglalakad si Prinsipe Ron sa hardin ng palasyo habang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa paligid.

Mula sa malayo ay nakarinig siya ng mga tao na nag-uusap kaya pinuntahan niya ang lugar na iyon.

Nakita niya ang mga naninilbihan sa kanila na nagdidilig ng halaman. May mga bagong mukha siyang nakita at naalala ang sinabi ng kaniyang Ina kahapon.

Akmang aalis na siya ng mapansin siya ng isang katulong at agad siya nitong binati.

"Magandang araw, Mahal na Prinsipe." bati ng isang babae. May katandaan na ito at halos ilang taon na rin itong naninilbihan sa kanila.

Hindi nagsalita si Ron at nakatingin lamang sa kanila.

"Ipagpaumanhin niyo po ang aking itatanong ngunit nasabi na po ba ng Mahal na Reyna ang tungkol sa mga bagong maninilbihan sa Mahal na Prinsipe?" tanong nito kay Prinsipe Ron.

The Other WorldWhere stories live. Discover now