90

36 2 0
                                    

'Leizyl *sigh*' pagtawag ni Reyna Ann sa anak nito. Ang kinse anyos na Prinsipe ay muling nahuling nakikipaghalikan sa ibang babae. Ito'y kakatapos lamang pagsabihan ng Ama niya at ngayon naman ay nasa harap siya ng Mahal na Reyna.

Pinanood lamang ni Binibining Akira ang nangyayari sa imaheng asa harap niya habang nalutang sa ere.

"Eto na naman? Wala na ba kayo ibang ipapalabas sa'kin? Nagsasawa na ako sa mukha ni Lei." reklamo at sigaw ni Akira sa paligid ngunit nag echo at walang sumagot sa kaniya pabalik.

"Konti na lang kabisado ko na linya nito."

'Alam mo ba kung ano ang pagkakamali mo?' tanong ng Mahal na Reyna sa anak at tumango naman ito.

'Alam mo bang mali ang ginawa mo?' tanong muli ng Mahal na Reyna at tumango muli ang anak nito.

'Alam mo pala bakit mo ginawa?' may halong pagka iritang tanong ng Mahal na Reyna.

'Mahirap kalabanin ang tukso kaya kinampihan ko na lamang.' pagsagot ni Prinsipe Leizyl sa Ina. Dahil sa narinig ay biglang nilabas ng Mahal na Reyna ang divine weapon nito at akmang iwawasiwas na sa anak nang maalala niya na anak niya nga pala ito.

'Muntik ko nang makalimutan na anak kita.' bulong ng Mahal na Reyna sa sarili niya. Taka naman nakatingin sa kaniya si Prinsipe Leizyl.

Muling napabuntong hininga ang Mahal na Reyna bago tumingin sa anak niya.

'Leizyl...bakit mo ba ginagawa ang mga ganitong bagay?' tanong ng Mahal na Reyna. Alam niya ang dahilan at umaasa siyang na ibang dahilan ang sasabihin ng anak.

'Gusto ko lamang magsaya bago dumating ang susunod na reyna. Pagkadating nila ay hindi ko na maaaring gawin ito dahil nakatali na ako sa kanila at isa pa, nagsasaya ang susunod na reyna sa kabilang mundo kaya't bakit hindi ako maaaring magsaya?' napatitig naman ang Mahal na Reyna sa anak niya.

'Mali ang iyong iniisip...' nakipag titigan si Prinsipe Leizyl sa Mahal na Reyna.

'...walang kasiyahan sa mundong iyon.' pagkatapos sabihin ay umalis na si Reyna Ann. Taka lamang nakatingin ang Prinsipe sa likod ng Ina habang naglalakad.

Palagi iyon sinasabi ng Ina niya ngunit hindi niya maintindihan ang ibig sabihin nito.

Nawala bigla ang imahe at napalitan ito ng imahe kung saan nakikipaglandian si Leizyl sa isa sa mga babae nito.

"Aah! Paulit ulit na lang yung pinapakita niyo! Wala na bang iba? Sumasakit na mata ko sa kalandian ng damuhong 'to!" inis na sigaw ni Akira. Sinamaan niya nang tingin ang imaheng nasa harap niya.

Nakaakbay sa isang babae si Prinsipe Leizyl habang nakangiti sa babaeng inaakbayan niya.

Bumukas ang bibig nito at parang may gustong sabihin sa babae. Agad naman na alarma si Akira at nagsisigaw habang nakatakip sa tenga niya.

"AAHH! AYOKO NA MARINIG YUNG MGA CORNY NA LINYAHAN NIYA! Ako nahihiya para sa kaniya!" inis na sigaw ni Akira habang nakatakip at nakapikit ang tenga at mata nito.

Kahit pa nakatakip ang tenga niya ay may mga salita pa rin siyang naririnig.

"Bahala na nga kayo riyan! Kung hindi niyo babaguhin 'yan lalayas na ako!" sigaw niya at lumangoy palayo sa imahe.

Ngunit sa kasamaang palad ay sinundan siya ng imahe kaya mas lalong nanggalaiti si Akira.

"Aish! Ano ba! Lumayo ka sakin! Layo!" sinuntok suntok nito ang imahe ngunit natagos lamang ang kamao niya.

"Argh! Stop torturing me!" sigaw nito at muling lumangoy palayo.

Hindi na lang nito inintindi ang naririnig niya sa imahe. Itinuon nito ang atensyon niya sa pag-iisip paano siya makakalabas.

The Other WorldWhere stories live. Discover now