17

51 3 0
                                    

RIN POV

Pinili kong hindi bumalik sa Shisakilzen pero binabalik ko si Chiko doon dahil panigurado ay kailangan siya doon. Nakisuyo lang ako kay Hazel na sabihin kay Chiko na bumalik na siya, ayoko makita ako ni Chiko na gan'to ang itsura.

Nakahiga lang ako sa higaan ni Hazel at mukhang may inaasikaso si Hazel.

Nakasulat sa diary ng isang Reyna na binasa ni Hazel na hindi ko kailangan maging reyna para makabalik ako sa mundo namin. Ang kailangan ko lamang gawin ay hilingin sa Ikalawang magkakapatid na si Ginoong Deseo na gusto kong bumalik at ibabalik niya ako agad pero... Ang apat na kaharian ang pumoprotekta sa mga tao dito at ang Reyna ang pumoprotekta sa kaharian. Kung wala ang Reyna walang poprotekta sa kaharian at mamamatay lahat ng tao.

Napabuga ako ng hangin dahil sa mga nalaman ko. Hindi ako pwedeng bumalik. Dahil maraming mangyayari sa mga nakatira dito. Inosente sila at wala silang kinalaman sa pagbalik ko sa mundo namin pero bakit kailangan nilang mamatay?

Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Hazel. Nagaalala pa rin ang expression ng mukha niya.

"Rin..." nagaalala niyang sabi. Iniwas ko ang tingin ko dahil pakiramdam ko ay iiyak na naman ako.

"Panigurado ay mahirap para sayo ngayon na nalaman mo na kung anong pwedeng mangyari." sabi niya at hindi ko pa din siya tinitignan.

"Gusto mo bang kumain?"pagtatanong niya at iniling ko lang ang ulo ko. Wala akong ganang kumain ngayon.

"Magbihis ka na ng damit mo at magpahinga ka na." tumango lang ako sa sinabi niya. Kinuha ko ang inaabot niyang damit sakin. At naglakad papuntang cr. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at namamaga ang mata ko pula rin ang mga 'to. At napakabigat ng pakiramdam ko.

Nagbihis na ako at lumabas ng cr. Si Hazel naman ang pumasok sa cr at nagpalit ng damit. Humiga ako sa higaan at pinikit na ang mata. Ayoko na magisip sa nangyayari ngayon. Mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko.

Nakatulog din ako katagalan.

~~KINABUKASAN~~

AKIRA P.O.V

5:30 am pa lang ay gising na ako. Nagbihis agad ako at agad na tinawag si Chiko. Nang dumating na si Chiko ay naglakad na kami palabas ng palasyo. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil doon.

Pupunta kami ngayon ng Ihyopa. Hindi umuwi si Rin. Hindi din alam ni Chiko kung bakit, ang kwento niya ay pumunta si Rin at Hazel sa kwarto ni Hazel. Bigla na lang daw siyang tinawag ni Rin at sinabing uuwi na. Pagkakita daw ni Chiko kay Rin ay nagalala daw siya agad dahil parang nawalan ng buhay ang mukha ni Rin. Hindi naman daw sinabi ni Rin kung bakit sila agad uuwi. Pero maya maya din daw ay biglang umiyak si Rin at pinaunang umuwi si Chiko at nanatili sa Ihyopa.

Alam na ba ni Rin? Nalaman ba niya ang tungkol sa paguwi sa mundo namin kay Hazel? Pero...paanong alam ni Hazel? This is frustating.

Nasa labas na kami at nagtransform na sa isang malaking wolf si Chiko. Agad naman akong sumakay pero nang papaalis na kami ay bigla namin narinig ang boses ni Ron.

"Binibining Akira! Chiko!" sigaw niya at nilingon namin siya ni Chiko.

"Maaari ba akong sumama?" pagpapaalam niya.

"Hindi." deretsang sagot ko. "Tara na, Chiko." saad ko.

"Ngunit gusto kong sumama." saad ulit ni Ron. Tinignan ko siya ng masama. Bad mood ako ngayon,ah wala akong pake kung prinsipe ka dito.

"Edi pumunta ka mag-isa mo. Istorbo ka!" irita kong sabi.

"Tara na Chiko!"nagaalinlangan pa si Chiko pero sumunod pa rin siya sakin.

The Other WorldWhere stories live. Discover now