91

40 3 0
                                    

WARNING: May mga brutal na salita sa chapter na ito.

Gulat na napatingin si Binibining Aylene nang iluwa ng pader si  Rin. Gusto man niya saluhin si Rin ngunit isang damakmak ang dumadamba sa kaniya.

Nang lamunin bigla si Rin ng pader ay may biglaang mga Demdra ang nagsilitawan. Nilabanan ito ni Aylene at siniguradong walang makakasunod kay Rin sa pader.

Nang bumagsak ang katawan ni Rin sa lupa ay agad napalingon sa kaniya ang ibang Demdra na kalaban ni Binibining Aylene. Agad naalarma si Binibining Aylene at dali daling tumakbo palapit kay Rin na walang malay.

Iwinasiwas ni Binibining Aylene ang espada niya sa Demdra na lumapit sa kanilang dalawa. Napansin naman ni Binibining Aylene ang aura na nakapalibot kay Rin.

"Binibining Rin!" pagsigaw niya sa walang malay na Binibini habang nakikipaglaban sa Demdra.

Sinaksak nito ang espada niya sa sikmura ng isang Demdra at shaka hiniwa ito at tumalon palayo. Tumalon siya muli nang may Demdra ang biglang sumugod sa pwesto niya. Kinagat nito ang espada habang nasa ere. Hinawakan nito ang ulo ng Demdra at shaka inikot. Pagka baba niya muli sa lupa ay saktong paglipad ng ulo ng Demdra na 'yon.

Patuloy itong nakikipaglaban sa mga Demdra habang pinoprotektahan si Rin.

"Aghh!" daing niya ng hiwain ng isang Demdra ang likod nito. Akmang iwawasiwas muli ng Demdra ang armas nito nang putulin ni Binibining Aylene ang braso nito.

Napansin niyang pinapalibutan siya ng Demdra kaya't tumalon siya palayo at pumunta sa tabi ni Rin.

Hinihingal na siya at nararamdaman niya na onti na lamang ang lakas niya ngunit parang hindi nababawasan ang mga Demdra na nasa paligid kahit pa marami na siyang na patay.

Habang pinagmamasdan ang galaw ng mga Demdra ay sinubukan niyang gisingin si Rin na walang malay. Nanginginig ang kamay niyang tinapik tapik ang balikat ni Rin.

"Binibining Rin." hinihingal niyang pagtawag kay Rin.

Naramdaman ni Rin ang pagtapik sa kaniya at pagtawag ni Aylene. Walang lakas na binuksan ni Rin ang mata nito. Agad niya naramdaman ang pagkahilo. Naamoy nito agad ang dugo na nasa paligid niya.

Gusto niya magsalita at umupo ngunit wala itong lakas para gawin iyon. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin nito ang pagkahigop ng lakas niya.

"Binibining Rin? Gising ka na po ba?" hingal na tanong ni Binibining Aylene. Napatingin si Rin dito ngunit malabo ang  paningin niya kaya't hindi niya makita nang maayos ang nangyayari.

"Ay...lene..." mahinang pagtawag ni Rin sa Binibini.

"Binibining Rin, anong nangyari sa inyo?" tanong ni Aylene ngunit hindi sumagot si Rin.

"Kaya niyo po ba tumayo?" tanong nito muli at dahan dahan umiling si Rin. Wala siyang maramdaman na lakas sa buong katawan niya. Pakiramdam nito ay nakatali ang buong katawan niya at may kung ano ang humihigop sa buong lakas niya.

Bigla naman naramdaman ni Rin na unti-unti siyang umuupo at mas lalong nahilo at lumabo ang paningin nito. Inalalayan ni Aylene umupo si Rin habang pinagmamasdan ang mga Demdra.

Nagpa-plano itong tumakbo palayo sa mga Demdra at agad napansin ito ng mga Demdra kaya't naghanda sila upang umatake.

Ikinarga ni Binibining Aylene si Rin sa likod nito habang nakikipagtitigan sa mga Demdra. Hinawakan nito ng maigi ang espadang hawak niya at ibinuhos kaunti ang mahika niya roon.

'Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Binibining Rin ngunit mas importanteng maitakas ko siya rito. Hindi ko masisigurado ang kaligtasan niya dahil koonti na lamang ang lakas ko.'

The Other WorldWhere stories live. Discover now