60

32 2 0
                                    

Pagkadating namin sa palasyo ay ginising ako ni Arnel. Unang bumaba si Jack na buhat si Reina. Bangag akong bumaba mula sa karwahe.

Ang sakit ng buong katawan ko.

Nakita ko rin na bumaba na sila Akira mula sa kabilang karwahe. Inaalalayan nila ni Hazel si Jasper dahil napilayan ata siya dahil sa laban niya kanina.

Binitbit ni Jack si Reina sa isang kwarto at dahan dahan inihiga doon. Sa kabilang kwarto naman si Jasper.

Gusto ko pang matulog pero hindi pa nadating si Ginoong Deseo at ang Mahal na Prinsesa.

Bigla naman nawala ang antok ko dahil nakarinig kami ng isang dagundong na parang may isang daang tao ang tumatakbo papunta sa pwesto namin.

Sumilip ako sa hallway at agad na nanlaki ang mata. Naramdaman kong nakisilip din si Akira at Hazel. Nanlaki rin ang mata nila.

"Oh sh*t!" gulat na sabi ni Akira.

Ang Mahal na Prinsesa ay tumatakbo papunta dito, suot-suot niya pa yung princess gown niya. Kasabay niya tumakbo si Prinsipe Ethan na bitbit si Nacy at bitbit ng tatay nila si Aurora. Sa likod naman nila ay hinahabol sila ng isang damakmak na tao.

Don't tell me...tinakasan nila yung trabaho nila para lang pumunta rito? Sa pagkakaalam ko sobrang busy nila ngayon dahil sa nangyayari.

Nang halos limang kwarto na lang ang layo nila ay naririnig na namin ang sigawan ng mga tao.

"MAHAL NA PRINSESA! PAKIUSAP TAPUSIN NIYO MUNA ANG TRABAHO NIYO!"

"PRINSIPE ETHAN! HINDI NIYO PA PO TAPOS PIRMAHAN ANG MGA DOKUMENTO!"

Nang makarating sila sa pwesto namin ay biglang hinawakan ng Mahal na Prinsesa ang kamay ko.

" Binibining Rin...tulungan...mo kami.... Ikaw na....bahala...sa kanila." hinihingal na pakiusap ng Mahal na Prinsesa bago sumunod sa asawa at anak niyang pumasok sa loob ng kwarto ni Jasper. Narinig naman namin ang sigaw ni Jasper mula sa loob dahil sa gulat.

Napatingin naman ako sa mga taong palapit na dito.

Akmang gagamitin ko na ang Ground magic ko para harangan sila nang makita namin ang pigura ni Ginoong Deseo na lumilipad palapit sa pwesto namin.

Huminto siya sa harap namin at nginitian kami bago tumingin sa mga taong tumatakbo papunta rito. Bigla siyang naglabas ng awra.

Napahinto ang mga tumatakbo sa unahan at dahil doon ay nagkabanggaan sila at natumba.

Tinignan nila si Ginoong Deseo at dahan dahan tumayo bago yumuko para magbigay galang pagkatapos ay umalis na rin agad sila.

Nawala na ang awra ni Ginoong Deseo at tinignan kami ulit na may ngiti.

"Asaan ang kwarto ni Binibining Rei?" pagtatanong niya at tinuro namin ang isang pinto.

Pumasok siya sa kwartong 'yon at sumunod naman kami sa kaniya.

Naabutan namin na sinusuri niya si Rei. Nakatingin lang siya sa mukha ni Rei na hindi kumukurap.

Maya-maya ay in-extend niya ang kamay niya at tinapat 'yon sa mukha ni Rei. Biglang lumiwanag ang palad niya. Nakatingin lang kami sa kaniya habang ginagawa 'yon.

Halos mag-iisang oras na pinapagaling ni Ginoong Deseo si Rei. Bigla naman niya binawi ang kamay niya at napabuga ng hangin. Hinawakan niya ang kamay niyang ginamit niya sa pagpapagaling kay Rei.

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi pa nagsasalita si Ginoong Deseo tungkol sa lagay ni Rei. Minamasahe niya ang kamay niya.

The Other WorldWhere stories live. Discover now