68

37 1 0
                                    

Akira P.O.V

Argh! Anak ng- Asaan na naman ba ako? Bakit madilim? May nagpatay ba ng ilaw? Tumayo ako at inalala ang nangyari. Asa loob ba ako ng isang magic? Kagagawan ba 'to ng Demdra?

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay biglang nagbago ang kapagirin ko. Nasa loob ako ng isang malaking at magarang bahay. Teka-etong bahay na 'to...

Naguguluhan kong nilibot ang paningin ko at tumigil 'yon sa isang 13 yrs old na lalaki na buhat buhat ang natutulog niyang 5 yrs old na kapatid na babae. Agad nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita ko silang dalawa.

Umakyat ang lalaki sa hagdan at sinundan ko naman siya kahit pa naguguluhan ako. Anong nangyayari? Bakit ko nakikita ang batang ako at si kuya?

Pumasok siya sa isang kwarto at inihiga roon ang natutulog na kapatid. Pagtapos inihiga 'yon ay ginawa naman nito ang mga assignments niya. Lumapit ako sa kaniya at sinubukan siyang yakapin pero tumagos lang ako. Pinapakita lang ba sa'kin ang alaala ko?

Bigla naman nagising ang batang ako at bumaba sa higaan ng kuya niya. Agad ito napansin ng kuya niya kaya binuhat niya ulit ito.

"Ang bilis mo naman magising. Halos kakalapag ko lang sa'yo." natatawang sabi ni kuya habang naglalakad sila palabas.

I feel weird while looking at my kuya. Hindi ko mapigilan ngumiti at maluha habang nakatingin sa kaniya.

Bumalik silang dalawa sa baba at nakipaglaro sa batang ako. Ang cute ko talaga nung bata pa ako tapos sobrang ganda nung lumaki. Bigla naman dumating sila mommy and daddy kung nasaan sila kuya. Agad nagbago ang mood ko pagkakita sa kanila.

Tinignan lang ng mag-asawa ang magkapatid bago umakyat sa kwarto nila. Tsk, hindi man lang kinamusta ang anak nila pagtapos nila iwanan dito.

"Akira, let's eat." nakangiting sabi ni kuya at kinarga ulit ang batang ako papunta sa kusina para kumuha ng pagkain. Kumuha siya ng mga cookies at nilagay iyon sa isang bowl.

"Don't eat too much." paalala nito sa batang kapatid pero hindi naman ako sumagot at kumain lang.

Bakit ba ganito ang nakikita ko? I have a bad feeling about this but... I can't stop smiling everytime I see my brother smile. Ang tagal ko rin hindi nakita 'yon.

Bigla naman nalusaw sila Kuya at ang batang ako pati na ang paligid. Nagulat naman ako dahil doon at napaatras agad. Nag-iba bigla ang scene. Nakita ko ang batang ako na nakikipaghabulan sa mga ka edad kong pinsan. Halata mo sa mukha ko na masaya akong nakikipaglaro sa mga pinsan ko. If my memory is correct, birthday 'to ni daddy at invited ang relatives niya sa birthday niya at ang iba pang business partners or kung ano man tawag doon. Asa loob kami ng isang hotel, I think kami ang may-ari nito? I'm not sure. Hindi ako interesado sa kayamanan ng pamilya ko.

Sa kalagitnaan ng pakikipaghabulan ko sa mga pinsan ko ay bigla na lang ako napatigil at natumba sa sahig na ikinagulat ng nga nakakita. Nakahawak ako sa dibdib ko dahil kinakapos ako ng hangin.

"Akira!" agad lumapit si kuya sakin at binuhat ako. Sinigawan niya ang ibang tao na tumawag ng doctor habang tinitignan ang namumutla kong mukha. Simula bata pa lang ako ay mahina na ang katawan ko. Ni onting kilos lang minsan ay hinihingal na ako pero since hinihiram ko ang kapangyarihan ng kwintas ay hindi na gaano kahina ang katawan ko.

May dumating na doctor sa kwarto kung saan ako dinala ni kuya. Chineck-up niya ako and pagtapos ay umalis din pagtapos sabihin na kailangan ko lang magpahinga. Pagkalabas ng mga doctor ay bigla naman pumasok sa loob sila mommy and daddy.

"Why did you make a fuss?" galit na sabi ni daddy at tinignan si kuya ng seryoso.

"Dad, nahimatay si Akira and 'yan agad ang tanong mo?" medyo iritang sabi ni Kuya. Pipigilan ko dapat si mommy sa pagsampal kay kuya pero tumagos lang ako.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon