19

43 2 0
                                    

Pagtapos ng pagdiriwang ay nagpaalam na kami kay Hazel at umuwi na sa kanya kanyang palasyo pero kasama ko si Akira ngayon. Kukunin lang daw niya yung mga damit niya at yung mga diary na galing sa Ningkahaze bago siya bumalik.

Nakasakay kami ngayon kay Raven. Hinahatid kami ni Raven sa Shisakilzen. Andito din si Leizyl pero hindi sila nagbabangayan ni Akira ngayon

"Ano na kaya mangyayari ngayon, Rin? Since parehas na tayo nagdesisyon na magiging Reyna." biglang sabi ni Akira habang nakatingala. Tumingala din ako. Pagabi na kaya magandang tignan ang kalangitan at malapitan pa namin nakikita.

"Siguro mag t-training tayo maging Reyna, baka bumalik din tayo sa training ground. Sa pagkakaalam ko may Akademya daw dito,eh so papasok din siguro tayo." sabi ko.

"Pero sigurado ka na ba Rin sa desisyon mo?"biglang tanong ni Akira kaya tinignan ko siya. Nakatingin din siya sakin kaya nginitian ko siya.

"Sigurado na ako. Hindi ko naman pwedeng isakripisyo yung mga tao sa Shisakilzen dahil lang sa kagustuhan ko." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ganon ba. Then, good luck satin apat." nakangiting sabi ni Akira. Nakita ko na malapit na kami sa palasyo ng Shisakilzen.

Dahan dahan naman lumanding si Raven sa lupa. Himala ata hindi kami inaantay ngayon ni Reyna Gladice.

"Pumasok na tayo nang makuha ko na yung mga kailangan ko at makabalik na agad kami sa Ningkahaze." saad ni Akira at sinundan si Chiko papasok sa loob ng palasyo.

"Magbigay muna tayo ng galang sa Hari at Reyna."sabi ni Leizyl at sinundan si Akira.

"Hindi na kailangan." sabi ni Akira at hindi naman sumang-ayon si Leizyl sa kanya at nagsimula na sila magbangayan. Sumunod na lang ako sa kanila at mukhang may ibang pupuntahan si Ron.

Hanggang sa makarating kami sa kwarto ni Akira ay hindi pa rin natapos ang bangayan nila ni Leizyl. Inayos ni Raven ang mga diary ng Ningkahaze at ako na ang nagimpake ng mga damit ni Akira. Hindi pa rin kasi sila tapos magbangayan.

Nang matapos akong magimpake ay hinatid na namin sila sa labas ng palasyo.

"Ba-bye Rin! Dadalaw din ako! Pakisabi na lang kay Reyna Gladice na dadalaw ako dito!" sigaw ni Akira sa malayo. Inaakyat na ni Leizyl ang mga gamit ni Akira sa likod ni Raven at tinulungan naman niya makaakyat si Akira.

Lumipad na papalayo si Raven at kumaway kaway lang ako.

"Binibing Rin, ihahatid ko na kayo sa inyong kwarto. Susunduin ko na lang kayo kapag kakain na." sabi ni Chiko.

"Huwag mo na ako sunduin, gusto ko muna magpahinga. Napagod ako ngayong araw."sabi ko at tumango lang si Chiko.

Naglakad na siya at sinundan ko lang siya. Bukas ay tatanungin ko si Reyna Gladice tungkol sa mundong 'to. Wala pa akong gaano kaalam sa mundong 'to.

Nakarating na ako sa dati kong kwarto. Agad akong humiga doon. Dahil pinili ko maging reyna dito ay kailangan kong gawin 'yon ng tama.

Ipinikit ko na yung mga mata ko at natulog.

~~KINABUKASAN~~

Idinilat ko ang mata ko at bumangon na ini-stretch ko ang katawan ko. Mukhang maganda ang gising ko ngayon,ah.

*Tok**Tok**Tok*

Sino naman yung nakatok ng ganitong kaaga?

Tumayo ako at binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang tatlong katulong na nakayuko.

The Other WorldWhere stories live. Discover now