61

32 1 0
                                    

Pagkatapos magbihis nila Hazel at Akira ay dumeretso agad kami sa labas ng palasyo. Sumama si Reina samin sa paglabas dahil gusto niya rin ihatid yung dalawa.

Nang nasa labas na kami ay nagtransform na si Leo sa isang malaking lion. Kahit ilang beses ko makita si Leo sa form na 'yan natatakot pa rin ako. At nagtransform naman si Arthur sa isang malaking griffin.

"Hindi man lang ba kayo magpapaalam kay Kevin at Leiyzl?" pagtatanong ko at nag-iba agad ang expression ng mukha nila.

Nagtatanong lang naman, eh.

"Why would we? Pagtapos ng mga sinabi ni Lei magpapaalam pa ako sa damuhong 'yon?" iritang sabi ni Akira.

"Balak ko rin naman bumalik s Ihyopa dahil may gusto akong sabihin kay Reyna Vanice." sabi ni Hazel.

"Ano naman 'yon?" takang tanong ni Akira.

"I would reign alone the kingdom." nagulat kami sa sinabi ni Hazel.

"Huh?! Gusto mong ikaw lang mamumuno? Ibig sabibin..."

"Yup! Wala akong balak pakasalan si Kevin. Nung umpisa ay nagdadalawang isip pa ako pero ngayon desidido na ako." nakangiting sabi ni Hazel.

"Pag-isipan mo muna ulit 'yan, Hazel." sabi ni Akira at sumasakay na kay Arthur.

"Desidido na ako sa desisyon ko."sabi ni Hazel.

"No, what I mean is hindi ata tama na pag-usapan ang ganiyang bagay sa sitwasyon ngayon ng kaharian. Masyado bang magulo ang sitwasyon at kung sakaling sasabihin mo 'yan ay mas lalong magkakagulo ang lahat." paliwanag ni Akira.

Natahimik naman kami sa sinabi ni Akira. Nag-iisip din pala 'to kahit minsan.

"Don't tell me gagawin mo rin ang gagawin ko?" tanong ni Hazel at ngumiti naman ng malapad si Akira.

"Hihihihi."

Idol ba ako ng mga 'to? Ano na kaya mangyayari sa apat na kaharian kung walang hari? Sa kondisyon ko naman ay acceptable dahil ayaw talaga ni Ron at pinaglaban ko yung posisyon ko pero sa dalawa...papayag kaya sila Reyna Ann at Reyna Vanice?

Umakyat na si Hazel kay Leo at pareho silang tumingin samin ni Reina.

"Aalis na kami, Rin at Rei. Paalam!" pagpapaalam nilang dalawa.

"BYE! INGAT!" sigaw ko at kumaway sa dalawang papalayo samin.

Nang hindi ko na sila makita ay tinignan ko si Rei.

"Bumalik na tayo sa loob?" alok ko at tumango naman siya.

Naglakad kami pabalik at napaisip naman ako.

Kung napapasa lahat sa prinsipe ang mga dapat namin gawin, ibig bang sabihin si Ron lahat gumagawa ng gawain ko?

Na gu-guilty tuloy ako. Tinanggalan ko na nga siya ng posisyon maging hari tapos pinapagawa ko pa sa kaniya yung gawain ko.

Hinatid ko si Rei sa kwarto niya dahil kailangan niya pa magpahinga.

May isa pa akong kailangan ihatid. Hinanap ko ang kwarto nila Arnel at Nacy. Nang mahanap ko ay agad akong pumasok sa loob.

Nakasuot ng floral dress si Nacy at normal suit naman si Arnel. Agad napatingin sakin si Nacy nang pumasok ako sa loob ng kwarto.

"Mama!" sigaw ni Nacy at akmang tatakbo palapit sakin ng pigilan siya ni Arnel.

Mukhang biglang nagka apo si mama. Hindi pa rin nawawala yung tawag ni Nacy sakin.

"Nacy, huwag ka muna gumalaw." saway ni Arnel. Tinatalian kasi ni Arnel ang buhok ni Nacy.

The Other WorldWhere stories live. Discover now